Garry Tanuan TCDSB Trustee
Si Garry Tanuan ay pinaganak sa siyudad nang Dumagete Negrose Oriental sa Pilipinas. Siya ay namulat sa pag aaral sa mga pari nang Holy Cross at nakapag tapos sa Unibersidad nang Silliman nakamit suma kumlaude sa Electrical Engineering. Siya at ang kanyang pamilya ngayon ay nakatira sa Highland Silvercreek. Scarborough kung siya Ang kaniyang pamilya ay nag sisilbing sa Simbahan nang Saint Joseph bilang taga basa at pag tulong sa altar. Sila din ay kasali sa iba ibang grupo nang ministro na sumusuporta sa Simbahan Katoliko at mga de boto. Pagatlong termino na ni Garry Tanuan sa serbisyo bilang isang Katiwala sa TCDSB. Na una siya na halal noon 2012 sa Scarborough nang tumawag nang by-election. Ang posision na iyon ay nabakante noun nag bitiw ang dating katiwala na si yumaon Jun Enverga nang siya ay na bigyan nang posision bilang isang Senador nang Kanada. Noong tinanoong ko siya tungkol sa mga paniniwala na ang position na inuupuan niya ay parang pinamana sa kanya ni Jun, magalang na sagot niya ay pinagalanan niya iyon sa isang malinis na halalan. Tinanoong ko rin siya kung ano ang pinaka malaking kabiguan na naranasan niya sa isang halalan? Ang sagot niya ay napansin niya na hindi lahat nang tao ay lumalabas para bumoto.
Si Garry ay abala sa mga iba ibang grupo nang mga samahan sa Scarborough. Umpisa sa kanilang Simbahan. Tumulong siya sa isang samahan nang Filipino-Canadian upang bigyan nang halaga ang pag kilala nang TCDSB sa buwan nang Julio na isang mahalagang kaugnayan sa lahi nang Filipino na kasabay ang pag diriwang nang kalayaan nang Pilipinas. Tinulugan din niya Ang isang samahan nang mga magulang nang mga mag aaral sa Katolikong paaralan na mag tayo nang samahan na may kinalaman sa TCDSB, upang sugpuin ang mga hinaharap nila na maaring maapektohan ang mga mag aaral.
Si Gary ay na patali nang mahigit isang taon katulong nang Kunsul Heneral nang Toronto sa pag hahanda sa pag diriwang nang 500 Taon nang Kristiano sa Pilipinas. Sa pag uugnayan ni Garry sa TCDSB nakamit niya ang buong pag tutulugan na bigyan nang isang Paragal sa pag Kilala sa pag diriwang. Ito ang kaunaunahan na nag bigay ang samahan TCDSB. Ang makasaisayan pinakaunang misa ay naganap sa isla nang Limasawa na nasa Kabisayaan.
Ang pag diriwang ay gagawin sa tatlong iba ibang parte nang mundo nag uumpisa sa Pilipinas, Toronto Canada, at sa Roma pinagugunahan nang misa na ang Papa ang mag sasagawa. Sa Toronto mayroon isang paligsahan nang pag drodrowing at pag pipinta nang elementaria at pagalawang paaralan na binubuo nang 111 ang lumahok galing sa iba ibang Katolikong paaralan, Si Garry ay isa sa mga nag paragal at nag bigay nang ganting pala kasama ang Konsul Heneral nang Pilipinas. Sa
Toronto hindi lang ang buong suporta nang TCDSB kundi pati na ang buong Parokya nang Toronto na binasbasan mismo ni Kardinal Thomas Collins na nag handing nang isang misang paragal para lamang sa pag gunita nang mahalagang Kasaysayan 500 taon nang Kristiano sa Pilipinas. Nang Si Garry ay tinanong ko kung mayroon siyang balak na tumakbo sa posision nang konsehal, Ang sagot niya ay masaya na siya sa kanyang kasalukuyan linalagyan.