PILIPINO/TAGALOG ANG AKIN PAGLALAKBAY, MIGRANTE KANADA
Tatlong taon bago ako pumunta sa Kannada, Prime Minister Pierre Trudeau binuksan ang pintuan nang Kannada para sa mga iba ibang lahi. At pinasimulaan ang mga ugaling laban sa mga ibang lahi at kultura. Itoy nakakuhan nang buong suporta sa kinatawan nang Parlamento. Itoy’ napakalaki ng pagkakataon para sa akin pagpasok sa Kannada.noon 1974.
Sa akin pag aaral tungkol sa mga naunang Filipino nakarating sa Kanada, nalaman ko na ito’y nagsimula na mahigit 75 taon nang nakakalipas. Lahat halos ay may karanas sa sensiya nang medicina. Karamihan mga doktor, nurses, teknologista, at mga katulong sa huspital. Halos lahat ay nawala ang karapatan nila para tumira sa Amerika. Dahil sila’y maga beterano na sa kanilang linia, madaling silang natanggap sa Kanada, bilang emigrante at nasunod din ang kanilang linia nang trabaho. Sumunood ang mga arketekto at negossio komersio. Lahat puro nakapagtapos nang kanikanilang karera. Sa madaling sabi, sila’y mga propessional. Nang madeklara Ang batas militar ni Marcos, dito na nag umpisa na lumikas ang mga nakapagaral at marurunong. Iyon mga naiwan, karamihan nanahimik at tumawag nang balak para umalis din.
Noong unang taon ko, laging nagnanasa ako sa bayan kong sinilagan at nahaluan nang kagalakan sa pag aasam kong ano ang magigin buhay ko sa bayan na pinili kong tirahan. Namulat ako sa Pilipinas na dalawa lang ang uri nang klema. Tag init, na talagang init, dahil walang hangin, at tag ulan na na walang katapusan hangang buwan nang Nobiyembre. Sa ngayon lalong lumala dahil sa iba ibang bagay na pagbabago.
Parang ako ay isang turista nang dumating sa Kannada, noon 1974. Punta dito, punta doon at sa iba ibang lugar. Punta ako nang punta sa Niagara, pang iisda, kasama ang mga bagong kaibigan at kasama. Sumubok ako nang iba ibang laro katulad nang iskating sa isno. Hindi sanay sa iba ibang damit at gamit. Na tanggap ko na ako’y maliit na Isra na nasa malaking ilog. Samantalang sa Pilipinas, ako’y malaking isda na nasa maliit na ilog. Any pagtanggap ko nang katotohanan, ay nagdulot nang malaking sakit sa katawan ko. Nakakatawa man, subalit ito ang nararamdaman ko. Pang tatlong taon ko, naramdaman ko na ako’y walang magagawa at ako’y naipit. Wals na akong babalikan sa Pilipinas. Maroon pa fin ang batas militar at tuloy pa rin ang kurpue. Dapat lang na huwag nang pag isipan ang Pilipinas upang harapin ko ang katotohan na bago kong kinabukassan. Tanggapin ko na ang bagong pamumuhay. Nang nangyari ito, gumaan na ang pamumuhay ko at nakihalubiro na sa bago kong lipunan. Tinanggap ko ang Kannada nang buong puso, at ang pagiging Filipino ko linagay ko sa kaisipan na pag mamahal sa lupa kong sinilangan. Nang naganap iyon, naging magaan na ang buhay.
Nag umpisa ako tumulong sa iba ibang samahan ng Pilipino at nang Kannada. Pati ang tatlong grupo nang gobiyerno ay pinasukan ko, kaya naman nakilala akong mabuti. Nag susulat ako sa isang diaryo at kumukuha nang maga larawan. Halos lahat nang maga iba ibang salo salo ay nandoon ako. Kung minsan tatlo o apat na iba ibang salo salo sa isang gabi nakakadalo ako. Hindi lang ako nakilala, tangap ako at ginagalang. Maraming tumatawag at binibigyan ako nang magandang balita, ulat na gagamit ko sa aking trabaho. Lahat na tulugan ko, tinutulugan din ako.
Ang mga inukol kong paghihirap at panahon, ay sinukliaan nang hindi kapanipaniwalang balita nang makatanggap ako nang tawad sa Unang Ministro nang Kanada, na ilalagay ako sa immigrassion bilang isang hukom. Ito’y malaking karagalan hindi lang sa akin, kundi sa akin mga kababayan Pilipino. Ang buong komunidad nang Pilipino-Kanedian ay nadiwang, at sinasabi na ang tagumpay ko ay tagumpay din nila. Dahil ako ay bahagi nila, para din silang kasama sa pag papa ragal sa akin.
Ang pagsusuri sa isang taong naghahanap nang kaligtasan at kapayapaan ay mahirap malaman kung Ito’y totoo o hindi. Buhay nang tao ang nakasalalay sa kamay nang mag bibigay nang hatol sa isang kaso. Sinisiyasat ko nang mabuti ang mga bayan pinangaligan nang taong humihigi nang kaligtasan sa kanyang buhay. Binuhos ko ang lahat nang aking makakaya, para lutasin ang bawat’ kaso. Ito Ang hinihigi nang ganitong tungkulin kaya siya kong binigay.nag pababa ito nang aking pagkatao. Ang pagarap ko lang noon unang dating ko dito sa bayan na Ito na manilbihan sa gobbiyerno ay tagahatid nang mga sulat bilang isang koreo. O kaya maging alagad nang batas. Binigyan ako na napakatas na tungkulin, karagalan, na hindi mapapantayan at mababayaran. Sa tungkulin Ito, na bukas akin mga mata. Na ang buhay nang tao ay napakahalaga. Ang kalayaan nang isang tao ay di dapat yurakin nang kappa tao. Ang taong naghahanap nang kaligtasan at matahimik an ay buga nang isang gobiyerno na marahas at malupit. At digmaan ay Isa rin buga nang mga di makatao.