“Gitna nang Lunsod nang Toronto”
TORONTO – Pinaganak ako at lumaki sa gitna nang lunsod nang Maynila, Pilipinas. Noon lumipat ako dito sa Kanada, may kamaganak ako na nagyaya sa akin na doon ako manirahan sa kanila sa labas nang lunsod nang Toronto. Nag pasalamat ako at tinangihan dahil alam ko na mas madaling mamuhay sa lunsod. Ito’y maging sa Pilipinas o sa ibang lugar nang mundo. Maraming kabutihan naidudlot at kaginhawahan kaysa kahirapan. Sa suidad, ang lahat ay malapit katulad nang simbahan, huspital, tindahan, paaralan at sa iyong pinapasukan trabaho. Noon bago ako sa Kanada, dalawa ang aking pinapasukan trabaho na malapit lapit sa isa’t isa. Nakakapagog, pero kaya naman kasi bata pa ako noon.
Ang Toronto ay malaking pag babago sa apat na pong taong. Tanggap ko naman ang pag babago. Noon bago pa lang ako dito, nakita ko na tahimik at malumay ang pamumuhay. Sa ngayon kabila kabila ang kondo at walang tigil ang pag tatayo sa mga bakanting lupa. Ang malapit sa tubig ay naging puntahan nang iba ibang klase nang mga turismo. Sa dahilan ito, ako’y naging mapalad sabihin, ako’y isang taga Toronto.
Sa kabilang nang kaunlaran, mayroon maga kaibahan pag babago na ka pansin pansin, katulad nang trapiko nang sasakyan na naging parang masamang panaginip. Ang siyudad ay naging maigay. Ang sirena nang mga ambulasia, pulis o bumbero, at busina nang pribadong sasakyan.
Sa kasalukuyan, mayroon dalawang bloke nang kalsadang ginagawa na ito’y aabutin nang apat na taon bago matapos. Ang mga prohekto na ginagawa ay napaka hirap malaman kung kailan matatapos. Katulad nang Eglinton relis na inabot na nang labindalawang taon na, hangang ngayon hindi pa tapos. Ito’y naka apekto sa mga naninirahan dito laluna sa mga negosyante na nag bebenta sa lugar.
Dadayain ko ang sarili ko kung hindi ko babangitin ang mga taong walang tirahan. Ito’y nasulpukan sa iba ibang parti nang lugar na pasyalan. Napaka sakit sa pananaw nang tao dito sa parti nang Amerika. Lahat nang bagong dating ay gustong manirahan sa siyudad. Bakit nga hindi, kung dito puno nang aksion. Kung gaano mabilis nang pag dami nang kondo, ganoon din ang pag dami nang mga tent sa parke. Nakakaawang pagmasdan at nakakainis. Hindi mo alam kung saan saan galing.
Ang pagalawang malaking problema na pagmasdan ay ang problema nang droga. Noon dekada sitenta, wala kang makita na naka droga. Ang kokain ay nagsisimulang mabalita na. Ngayon pati opium. Para makatulong ang lunsod nang Toronto ay nag lunsad nang opisina na ang lugar ay malapit sa Eaton sa Yonge at Dundas. Sa aking panigin itong tinatawag na lugar mapayapa ay hindi nakaka tulong sa problema nang droga. Bagkos lalong lumala at ka pansin pansin na halos lahat nang lugar makikita mo na maraming naka droga kahit anong oras nang araw. Palakag lakad parang tinatakot ang mga tao. Ang lalong nakakatakot ay ang taong may kapinsala sa pag iisip na nag dudulot nang lagim sa siyudad.
Ang Toronto ay patugo sa kaunlaran. Katatapos lang nang halalan at mayroon bagong alkaide babae na ang pagalan ay Miss Olivia Chow. Itong mga nabangit na problema ay kanyan unang tatalayukin at binigyan nang mga tamang sulusion.
Pics by Ricky Castellvi