Libreng Pagkain.
Libreng pagkain? Bakit nga ba hindi. Laluna sa oras nang pandemia na kahit ano basta makakatulong ay tinatanggap. Tumitiging ako mula sa dalawangpung palapag nang aking bahay, makikita ko halos bawat Lingo maraming pumipila tao para kumuha nang pagkain.
Na lulungkot ako at nasisiyahan para sa mga taong nakapila. Lungkot ako para sa kanila sa dahilan marahil babang baba na sila sa buhay para kumuha nang makakain. Masaya din ako para sa kanila dahil mayroon silang nakukuahan makain nila. Sa mahihirap na bayan walang mapamigay. Mayroon dito sa Toronto mga lugar na namimigay nang mainit na pagkain tuwing mayroon mga mahalagang araw katulad nang Pasko at araw nang Pasasalamat. Pagkain dito sa Kanada ay hindi masyadong malaking bagay ang pagkain. Na pakarami at pinamimigay. Hindi tulad nang mahihirap na bayan halos wala. Kung minsan binibili mo na wala pa o kay hindi ka puwedeng bumili nang marami dahil konti lang ang mayroon o nag iigat sila nang pag tatago para tumaas ang pressio.
Noong nag umpisa ang pandemia maraming nag sara na mga selter na namimigay nang pagkain sa dahilan pinagbawal nang gobbiyerno para iwas sa dami nang tao na nag iipon ipon. Ang maga boluntario nag luluto at nag disillusionment ay ayaw na dahil sa takot na mga kasakit.
Itoy matagal ko nang nakikita mula pa noong nag umpisa ang pandemia. Kahit umuulan, maaraw, o nag iisno tuwing Lingo mula 12:00-1:30 nang tanghali o hangang maubos ang pinamimigay. Isang Lingo linagay ko ang aking midya kard, bumaba ako at pinuntahan ko ang lugar. Matapos akong mag pakilala kinausap ang kanilang namamahala na si Ryan Galloway. Nag pasalamat ako sa kanyang ginagawa. Tinanong ko kung anong grupo sila? Nagulat ako sa sagot niya na hindi sila mga taga gobbiyerno o simbahan. Sila ay mga boluntario grupo. Tinsnong ko kung ano ang kaibahan nila sa mga ibang grupo? Ang sagot sat ano got ko ay, sila ay hindi nag hihigi nang mga iba ibang pagagaylangan katulad nang pag susulat nang kanilang pagalan at kung bakit sila unassailable sa pagkain at kung sila ay taga saan naka tiara o sila ay taga doon sa lugar. Basta pumila lang sila at maghantay, kumuha, at lumakad. Tinanong ko kung papaano niya ito na gagawa? Sagot niya sa akin ay nakiki pag ugnayan sila sa iba ibang grupo na nag iipon ipon nang mga pamimigay at kung minsan bumubunot sila nang sarili ni lang pera para bumili nang murang bilihin pang karamihan. Mayroon panahon na dumating na silay naubusan at wala nang mapamigay. Dito sila nang higi nang tulong sa kani kanilang mga grupo sa sosial midya. Sila ay tumutulong sa mga taong kalsada na walang bahay, mga indiginous na tao, mga mahihirap at mga aktibista na nag proprotesta sa kalsada. Namimigay sila na mainit na pagkain, tubig, tinapay, prutas, gulay, o delata.
At nang tanuging ko kung gaano katagal na nilang ginagawa ito? Ang sagot sa akin ay noon pang 2016. Nang tanuging ko si Ryan kung gaano karamihan na ang mga natulugan nila? Sa kanyang istima na sa pitong buwan nang mag simula ang pandemia mayroon nang mga 160 pamilya na bumubuo nang 4480 na katao bawat isang lingo dito sa Allan Garden at karatig nang siyudad. Dagdag pa ni Ryan na maraming kahirapan at paguugnayan sa iba ibang grupo siyang dinarsnas sa buong siyudad. Pero gusto niya makabigay balik sa mga tao nagagailangan nang tulong. Kahit Gannon hirap niya ay sulit sa kanyang pakiramdam. Sa mahigit limang taong na ginagawa ito mayroon nang mahigit sa $200,000 halaga nang pagkain ang napamigay nila.