Ang Hamon sa Pagbabakuna sa Buong Mundo
Paano mo babakunahanan and 7.7 bilyones na katao sa mundong ito. Napakahirap pero posible. Nitong nakaraang lingo, ang mga namumuno ng G-7 na bayan ay nagpulong ng tatlong araw sa Cornwall, UK, para tapusin ang pandemya. WHO direktor heneral Tedros ay nagsabi na kailangan mabakunahan ang 70% na katao sa mundo para matapos ang pandemya.
Ang Estados Unidos ay magbibigay ng 500 milyones na dosis; France at Germany, 30 milyones na dosis; Japan, 30 milyones; Italy, 15 milyones; UK, 100 milyones ngayong taon.
Ang Canada ay magbibigay ng 100 milyones na dosis, sabi no PM Trudeau sa Global News Canada na isinulat no Hannah Jones noong June 13, 2021.
Magbibigay ng 87 milyones na dosis sa Access to Covid-19 Tools (ACT) Accelerator para matulungan ang mahihirap na bayan. Bukod dito, magbibigay ng 13 milyones na dosis sa pamamagitan ng COVAX, ang sangkap nito ay 7.3 Novavax, 4.3 AstraZeneca at 1.3 Johnson and Johnson.
Ang Washington Post na panulat ni Tyler Page tungkol sa G-7 donasyon ay nagsasabi na ang Estados Unidos ay bumili ng 500 dosis ng Pfizer para ibigay sa mga naghihirap na bayan. Nagpahiwatig si Pangulong Biden na malamang magbibigay ulit ang US sa susunod na taon. Ngayon na may nakikitang kaginhawaan na ang US sa pandemyang ito, mayroon nang sobrang bakuna na rin na puwedeng ipamigay sa mga naghihirap na bayan.
Ang layunin ni Biden ay mabakunahan ang 70% ng mga tao sa US para sa July 4th, araw ng kalayaan. Para matupad ito, gumagawa ng mga insentibo para sa pagbabakuna at maipaliwanag kung ano talaga ang bakuna dahil sa maraming kumakakat na hindi tama katulad ng sinabi ng manggagamot na tumestigo sa Ohio House na nagsabi na ang bakuna ay naglalagay ng balani sa tao at magbibigay ng masamang epekto sa tore ng 5G.
Isa pang bakuna ang protesta ng mga mangagawa sa Houston Methodist Hospital na sap at silang sumunod sa patakaran ng ospital na magpabakuna kung magaalaga ng mga maysakit. Ayon sa mga mangagawa, ang bakuna ay hindi aprobado. Kung tutuusin, ang US ang may maraming bakuna ngunit maraming ayaw magpabakuna kahit ipinapakita sa telebisyon ang nangyayari sa mga taong may Covid 19. Neil deGrasse Tyson, isang Amerikanong siyentista ay nag-tweet nung October 3, 2020: Sa mga tumatanggi ng siyensiya, naguusap kayo sa pamamagitan ng isang produkto ng siyensiya. Gusto ko lang na maalala ninyo ito. Taos puso, iyong “smart phone”.
Dito sa Canada, isang bakunado ang nagsabi na hindi siya pinatuloy sa Airbnb na rineserba niya dahil ang sabi ng may ari ng bahay ay yung bakuna niya puwedeng nagbigay ng “spike protein” sa mga kasambahay niya. May kalabuan ang pagkakaintindi ng may ari sa bakuna. Ang totoo, pagka binakunahan ka, hindi yung virus ang nilalagay sa katawan mo; bagkus, ang mga cell mo ang gagawa ng paraan para hindi ka magkasakit ng Covid. Sa “vaccine tracker Canada” nitong nakaraang umaga ng linggo, 28,644,442 dosis na ang naibigay sa mga mamayan – 63.96% na ang nakataggap ng unang dosis, 11.4%, pangalawang dosis. Malamang sa taglagas, makuha ng Canada ang kawan ng kaligtasan sa sakit.
Tayo rito sa Canada ay napakasuwerte na may tubig tuwing binubuksan natin ang gripo, may kuryente na magbibigay liwanag sa ating tirahan at pinapainit ito pag malamig sa labas. Mayroon sumasalo sa atin kapag tayo ay naghihirap at mayroon din gumagamot sa atin kapag tayo ay maysakit. Ngayon, may bakuna sa Canada para hindi tayo magkasakit ng Covid 19 at ito ay ibinibigay sa mga klinikang pangkalusugan, mga lugar na pansanantalang ipinatayo para sa bakuna, at mga botika.
Sinusundan ko ang pagbabakuna sa Pilipinas, ang bayan kong pinanggalingan, at ito ang napagmasdan ko. Mayroon mga naghihintay ng buong araw para mabakunahan, may mga ilan ang naghihintay sa labas na may hawak na tubig na inumin at payong para hindi maarawan. Ang presyon ng dugo ay kinukuha bago bakunahan. Sa tinagal ng paghihintay, di ba puwedeng umakyat ang presyon ng tao? Naisip ko, papano kung mataas ang presyon pagdating sa magiiniksiyon sa iyo, kahit normal ang presyon mo nung nagumpisa kang pumila. Pababalikin ka ba sa ibang araw para pumila ulit?
Binakunahan ako ng pangalawang dosis ko sa isang botika hindi malayo sa tirahan ko. Ni hindi inabot ng isang oras ang paghintay ko, kasama na run yung kinse minutos na pagupo ko sa kuwartong pinagbakunahan sa akin na patakaran para sa mga nabakunahan para matyagan kung mayroon hindi kanaisnais na
nararamdaman ang taong nabakunahan.
Larawan: Isang Filipino binabakunahan ng pangalawang doses ng Pfizer sa Maynila, Pilipinas (credits Ricky Castellvi)