Ang Panganib ng Opioid Habang May Pandemya

Bago mag pandemya, may nakausap akong kaibigan na nagtatrabaho sa Eaton Centre. Pagka ang shift niya ay bago magsara ang tindahan na pinapasukan niya, nakakatagpo siya paglabas niya sa mall ng mga tao kakaiba ang kilos, na alam niya na may ininom o ininiksiyon sa katawan. Sabi niya, hindi siya nagaalala sa mga taong nakatira sa kalye. Ang inaalala niya ay mga “druggies” dahil nangmomolestiya sa mga hindi kakilala at sa pamamaraang hindi kanaisnais.

Dumami ang mga gumagamit ng opioids nitong pandemya. Dati nang merong mga adiks bago pa magpandemya, ngayon lalong naging masahol ang mga gumagamit ng mga droga at opioids.

Ang Centre for Addiction and Mental Health (CAMH) na may tatlong kinatatayuan dito sa Toronto ay tumutulong sa mga adiks. May mga lugar na naatasan na puwede ng maginiksiyon nang maayos at itong mga lugar na ito ay pinapatnubayan ng mga nakakaintindi ng mga droga. Isa sa mga lugar na ito ay nasa Toronto, malapit sa Eaton Centre. Ang mga lugar na ito ay nagbibigay ng kaayusan at kaligtasan sa mga taong nakatira dito pati na rin sa mga adiks.

Ang opiods ay nakakatulong sa masamang pakiramdam pero dahil sa matinding epekto nito sa katawan, puwedeng makahiligan ito na maaaring pagsimulan ng pagkasugapa sa mga drogang, gaya ng codeine, fentanyl, morphine, oxycodone, hydromorphine, at medical heroin na puwedeng ireseta, igawa o kunin labas sa batas, ayon sa Canada.com.

Si Liam Casey ng Canadian Press ay sumulat nung May 19, 2021, na ang mga nangamatay sa overdose dito sa Ontario nitong pandemya ay umakyat ng 75%. Nakakagulintang. Ito ay inayudahan ng The Star nung July 26, 2021, na nagsabi na merong bago, mas malakas na droga na kumakalat sa Toronto ngayon at ginagawa ito sa laboratoryong labag sa batas. Ito ay dahil sa pagbabawal ng pagtawid sa hangganan ng Canada dahil sa pandemya.

Sa US, ang National Centre for Health Statistics ay nagsabi na mula December 2019 hanggang December 2020, 93,000 na mga Amerikano ang nangamatay dahil sa droga. Ito ay insinulat ng Lancet editorial nung July 24, 2021, at pinatnubayan ni Maggie Fox ng CNN nang sinabi niya na ang mga nangamatay ay tumaas ng 30% nung nakaraang taon.

Sa Pilipinas, ang labag na paggamit sa droga ang ikinapanalo ng ngayong presidente na nangako na aalisin niya ito sa bayan sa loob ng anim na buwan. Apat at kalahating taon na ang nakalipas pero hindi pa rin tupad ang pangako nito. Bagkus, 20,000 na ang napaslang sa kampanya ng administrasyon niya laban sa paggamit ng labag sa batas na droga, ayon sa mga karapatan pantao na organisasyon.

Ang Philippine Drug Enforcement Agency ay nagbigay ng numerong di hamak na mababa sa 20,000. Si Hidilyn Diaz na nanalo ng gintong medalya sa weightlifting sa Tokyo Olympics ay nasa 2019 listahan ng mga gumagamit ng labag sa batas na droga, ayon sa Rappler na ang mayari ay pilit na ipinakukulong ng administrasyon ng pangulo ng Pilipinas dahil di nito gusto ang isinusulat sa peryodiko nito. May malisya ang pagkakalagay ng pangalan ni Hidilyn Diaz sa listahan na ito. Ang tanging ginagawa ni Miss Diaz ay manghingi ng donasyon para maipasok ang pangalan niya sa mga puwedeng lumaro sa Tokyo Olympic Games 2021.

Pansamantalang nawala ang paningin natin sa problemang mahirap ihanap ng kalutasan dahil sa nangyayari ngayon sa mundo na mas grabe at pumapatay ng maraming tao. Ang resulta ay hindi kanaisnais at nakaragdag pa sa mga problema ng kalusugan at kaligtasan ng mga tao hindi lang dito sa Ontario pero sa US at buong mundo.

Photo credit: R. Castellvi, Centre for Addiction and Mental Health (CAMH) sa kanto ng College Street at Spadina Avenue.