Ang Panlimang Pinakamalaking Kalakal-Panluwas ng Canada

Nang bumisita ang aking ina sa Toronto nung dekadang setenta, ito ang binigay niyang impresyon sa siyudad: napakalamig at maraming puno. Datapwat pumanaw na siya, aking naaalala siya ngayong sumusulat ako tungkol sa mga punongkahoy. Ipinanganak at lumaki ako sa lungsod ng Manila na konti lang ang mga puno. meron meron naman isang matandang Acacia na malapit sa amin na ginagamit na tagpuan o palatandaan ng mga tao. Kahoy ang panlimang pinakamaling kalakal-panluwas ng Canada. Produkto ito ng British Columbia at naging isa mga isyu na pinagusapan ng mga namumuno ng US, Mexico at Canada nung pinalitan ang pagkakasundo ng kalakalan. Ang dating NAFTA ngayon ay USMCA na nangangahulugan ng bagong kasunduan ng tatlong bayan ng North America. Ayon sa balita ng Globalnews.ca nung September 2, 2020, gagawin ni PM Trudeau ang lahat nang makakayanan niya para labanan ang patuloy na pagtaas ng buwis sa malambot na kahoy na ginagamit sa pagpapatayo ng tirahan at iba pang edipisyo sa US at Canada. Inangkot niya na  ang US ay may kakulangan sa kahoy na ito. Ang kalakal na panluwas sa Canada ay umakyat ng 8.1% nung January 2021, ayon kay Julie Gordon ng Reuters. At nilagaring kahoy ang  isa sa mga malaking pangkalakal na panluwas ng Canada ayon naman kay Daniel Workman ng WorldExports.com

Nung Mayo nitong taon na ito, isang litrato ng isang trak na may bitbit na malaking kahoy na pinutol  sa BC ay kumalat sa internet at nagbunga ng mga salungat na opinyon. Sa BC, anuman got puno ang may edad na 245 anos na nasa pangpang at 145 anos sa kalooblooban ay tinutukoy na matandang puno. Ang pagputol ng mga ito ay hindi ayon sa kaligiran at masaksaktan ito dahil sa ang puno ay binibigyan ng buhay and mga pananim sa paligid nito.

Si Derek Neighbor ng Northern Ontario Business ay nagsabi nung December 29, 2020, na ang panggugubat sa Canada ay malaki ang naitutulong sa bayan nitong pandemya sa pamamagitan ng kahoy para sa konstruksyon, ubod para sa maskarang medico, pampatong sa bestida na pang ospital, papel na pambanyo, at pamunas para sa sanidad. Dahil nandito pa ang Covid 19, kailangan natin ang mga ito kahit bakunado na tayo. 

Importante ang mga punongkahoy sa ekosistema ng planetang ito. Mga matatandang punongkahoy ang nagbibigay buhay sa mga pananim sa paligid nito. Ang malalim na ugat nito ay nagiging gabay sa pagkabuhay ng mga damo at mga pananim na malapit dito. Nung nagaaral pa ako sa elementary, itinuro sa akin ang tulang “Trees” na sinulat ni Joyce Kilmer. Dahil hindi ko maisaulo ito, minemorya ko ang tula sa pamamagitan ng kanta nito na nagsisimula sa “I think I shall never see, a poem as lovely as a tree ….”. Pagka nakatingin ako sa isang puno at ang kanyang mga sanga ay hindi matayog dahil sa malakas na hangin kung minsan, naalaala ko ang Acacia sa lugar ng dating tinirhan ko. Nandoon pa kaya ito? Nagsisilbe pa rin ba ito na tagpuan ng mga kaibigan? Nagbibigay pa rin kaya ito ng saklob sa init ng araw? Harinawa naroon pa itong matandang puno na Ito na di ko man lang natingnan nung huli kong paguwi dahil inabutan ako ng pandemya at nakalockdown ang buong Maynila.

Sa larawan ni Ricky Castellvi, matandang puno sa loob ng patakbuhan ng mga aso sa Allan Gardens