Ang Sama nang Kolonisasion
Ako any hindi indiginous Kanadian na nag imigrate sa bayan ito na galing sa Asia. Nang nabasa ko na may nakitang na nakabaon 215 katawan nang maga bata na ang pinaka bata ay tatlong gulang lang sa dating bahay paaralan sa Kamloops, BC ako’y namuhi.Ang Kanadang istoria tungkol sa bahay paaralan ay mahaba. Everton Ryerson ang pinuno supirentendent paaralan Kanada West, Ontario, gumawa nang modelo para sa bahay iskuela. Ang kanyang sinabi na ang “Indian ay dapat paaralin na hiwalay na mag ka kasama sa bording Inglis lang-agrikultural-pangsasanay institution” na naging base sa istablamento pamamahay paaralan sa Kanada na pinaimplamento na ang naging resulta maga batang indiginous ay nahihiwalay sa kanilang maga magulang. Ang pakay ay ihalo itong maga batang ito sa maga Uro-Kanadian kultura. Hindi nag tagumpay. Ang maga indiginos na bata sa bandang huli ay naabuso o namatay na lumabas sa huling ulat at hindi na kahalubiro sa maga puting taga Uropa na kommunidad matapos lahat nang paraan ginawa nang gobbiyerno at nang simbahan.
Noong isang taon sa kainitan nang protesta tungkol kay George Floyd na nauwi sa Toronto ang statua ni Egerton Ryerson ay binuhusan nang kulay pink na pintura. At ang istatwa nang unang Prim Ministro nang Kanada na si John A. McDonald sa Queens Park ay pinag susulatan nang maga masasang bagay. McDonal ay mayroon na Hindi magandang pakikisama sa Kanadang indiginus na maga tao. Noon 1882 sinabi niya Ito sa loob nang House of Common “mayroon akong dahilan para maniwala na ang ahente sa kabuoan.. ay ginagawa ang lahat nang kanilang magagawa para tangihan ang pagkain hangag ang maga Indian ay umabot sa kagutuman upang manawagan ang gastos” Ito’y binangit sa National Post artikulo noon 28 Agosto 2018 ni Tristin Hopper.
Ako’y pinaganak at lumaki sa bayan na kolonice una nang Espania nang 323 at pag katapos ay nang Amerika nang 50 taon. Ang Espania ay ang nag dala nang kristiano sa Pilipinas at nagawang nag iisang Katoliko sa buong Asia. Sa kalungkutan siya rin ang nagdala nang aking Kastila na ninuno ko sa tatay na ansestro na namalagi sa isla kasama nang kanilang maga kababayan.
Konolisasion ay mabuti para sa maga nag kokonalise, masama ito para sa maga na konolise. Espania ay pinatakbo ang aking lumang bayan kasabay nang simbahan at ang pagiging mag kapatner nila ay hindi maganda ang kinalabasan. Pang aabuso ay palaging risulta nang kolonisasion maging Ito’y sa maga namalaging tumira doon o maging tungkol sa ekonomia. Ang Pilipinas ay mayroon pareho nito na iniwan ang bayan na sugatan at lito sa kanyang pag katao. Noon 1896 dalawang taon bago nag simula ang gyra nang Espania at Amerika na nag resulta na ang Espania ay binigay ang Pilipinas sa Amerika matapos na matalo Ito, may isang kilalang Filipino na ang pagalan ay Jose Rizal ay pinatay sa Maynila sa pamamagitan nang piring is quad sa kanyang panglaban na maga sulat. Ang kamatayan niya ay naging isang madrama na siya ay diniklarang isang martir na tinuring nang bayan na nasional hiro. Monumento niya na nakaharap sa Manila Bay ay tinayo sa pusod nang Maynila na binabantayan 24/7 nang sundalo.
Pag papa kilala nang bagong kultura sa bayan na mayroon nang kinagisnan kultura ay hindi nagiging tagumpay. Kinagugustuhan lang ito nang populasion. At para gumamit nang marahas na paraan katulad nang pamamagitan nang gutom na ginawa noong panahon ni John McDonald na ang Amirikanong na gagaso ay halos ubusin ang maga bison na ito lang ang pag kain nang maga indiginus ay nag resulta lang nang pang aabuso at kamatayan. Brutal sa aking opinion. Sa aking pang sandaling katahimikan at pag mumunimuni ano kaya ang mangyari sa luma kong bayan kung hindi dumating ang Kastila na kinolonisado Ito? Mayroon nang dating kultura at straktura nang gobbiyernong nag papatakbo at namamahala nang maga kommunidad nag dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu isla nang Visaya isa sa tatlong isla na probinsia na bumubuo sa Pilipinas. Ang komunidad ay pinamamahalaan nang Datu, Sulta, o Raja. Malamang ang Pilipinas ay kinatapusan naging isang bayan nang Muslim.