Ang wastong pakikipag ugnayan at tamang pagagalakay sa maunlad at umaakyat sa mahirap na bayan.

Ang pakikipag ugnayan at tamang pagagalakay ay apat na pananalita na nag bubunguan nitong nakalipas na dekada, at patuloy pa rin. Hindi parepareho ang ibig sabihin, munit halos pareho ang nilalaman at magkakadikit. malapit sa isa’t isa.

 

Ang wastong ugnayan pinagugunaha nang mga produkto kape, tsokolate, asukal, saging at bulak galing sa wastong pamamaraan. Ang mga trabahador ay trinatrato wasto, kasiguruhan, malinis na kapaligiran, hindi sinisira ang lupa, tubing, o kalikasan sa kapaligiran. Sa kanilang pamamaraan na kanilang pananamin na magbubuga na tama at walang na aapektohan masama sa kapaligiran na nag bibigay na tamang pakikinabang nang kummuynidad.

 

Ang wastong pamamalakay ay sa ugnayan nang korpurassion nang maunlad na bayan at sa mga nag pupundar sa mga umuunlad na bayan para sa wastong presyo ay italaga sa mga naghirap sa mga kanilang produkto.

 

Bago madeklara ang pandemia sa buong mundo, karaniwan makita ang maga trabahador na nag lalakad sa daan nang siyudad nang Toronto na may hawak sa isang kamay nang kape papunta sa kanilang pinapasukan. Ang mga Kannedian ay malakas uminom nang kape, dahil marahil sa mahabang panahon tag lamig na dikayla sa pag kakaalam sa mundo. Ang mga karamihan ay nakakainom nang mahigit dalawa sa isang araw. Kaya naman mas marami ang kapehan kaysa MacDonald o Burger King na makikita sa daan nang Toronto. Kung isasama natin ang mga kapehan sa kainan sa loob nang mull, masmahigit na marami. Ang pandemia ay naapektohan ang mga kapehan na halos lahat ay sarado, pero di ibig sabihin huminto sa pag inom nang kape ang sangbayanan. Ang mga tao tuloy pa rin ang inom nang kape sa bahay nila pinakukuluan katulad sa mga kapehan at itoy dinadala sa mga pinapasukan nilang mga opisina. Isang kapuna puna na naka sulat sa mga pakete maging buo o pino na ito’y wastong pagagalakay na akin hinahagaan. Ang halaga ay maarin mas mataas, na hindi iyon ang mahalaga dahil alam nang tao na ang pera ay pumupunta diretso sa mga nag tatanim at naghahain nang kape.

 

Noon taon 2015, pinalad ako na makapanuod nang isang pelikula dokumentario sa TIFF Bell Lightbox, tungkol sa mga nag tatanim nang kape sa Ethiopia kung saan galing. Ang pagalan nang penikula ay Dukale’s Dream, pinagunaha nang isang batang manananim ng kape walang bakas na karbon. Hinagaan ni Hugh Jackman ang bidang artista sa pelikulang Xmen sirial, kasama si Deborra Lee Furness ang kanyang maybahay lumipad patugo sa Ethopia at nag tagal sa pananiman ni Dukale at namangha. Sa dahilan ito, nang bumalik sa NYC, nagbukas nang kapehan na may tatak na wastong pagagalakay.

 

Maraming taon akong dinulot sa pag sama sa isang samahan na ang pagalan ay Development and Peace, bahagi nang Canadian Catholic Organization. Ito’y miyembro sa Caritas International na bumubuo nang 162 iba ibang Katolikong samahan na ang pakay ay tumulong sa mga naghihirap na bayan binubuo nang 198 na puro mahihirap at na naabuso pinag sasamantalaan. Noong nagkaroon na pinakamalaking bagyo sa buong mundo sa Pilipinas, na pangalan ay Yolanda, ang aking samahan ito ay naka likom $12 milyon at bumili nang lupa para tayoan nang mga bahay para sa mga biktima upang mayroon silang matuluyan. At makapag umpisa tumayo at mag tanim para mabuhay at makatulong sa ekonomia nang kanilang bagsak na komunidad.

 

Ang sosiyal na hustisiya ay hindi lang galing sa pag tatanim at pag bebenta sa kanilang produkto sa tamang halaga. Naniniwala ako na ito’y nag uumpisa sa pag agat nang kabuhayan nang mga manananim na siya ang pinakamahirap sa lipunan bayan umuunlad. Ang isang samahan ay di sapat para sa kaunlaran, dapat itoy tinatapatan nang pag ugnayan nang gobbiyerno at nang isang grupo na walang ugnayan sa gobbiyerno, na hindi lang isang samahan relegion. Kahit ang Simbahan Katoliko ay maraming na gawang tulong sa pag papadala nang mga missionario sa Pilipinas, na tanggap ko na Isa ako nakinabang sa ngalan nang edukassion.na galing sa Uroppiang missionario. Alam ko rin na maraming samahan na hindi mga relihiyon ang mga tumutulong sa dati kong bayan. Maganda sana dumating ang panahon, matuto ang mga nananim sa Pilipinas sa wastong pagagalakal nang kape, tulad nang ibang bayan