Ano ang tunay na pag kakaibigan?
Halos mag dadalawang taon na ang Kobid pandemia at halos lahat nang bagay ay naapektohan pati ang relasion na pag kakaibigan natin.
Ano ang tunay na pag kakaibigan? Para sa akin ito’y isang walang pag iimbot na pag ugnayan na hindi kailangan ang malalim na pag iisipan, isang bagay na natural. Mahirap makamit, pero nagagawa. Ito ay dalawang landas na pag bibigay at pag tanggap na kailagan na maraming sakripissio. Para sa iba ito’y nagagahulugan nang bagay na ano ang mapapala ko at ano ang makukuha ko? Para sa iba ito ay nagagahulugan nang seksual na pag sasama kung ito ay para sa isat isa. Nakakalungkot banggitin na ang iba ay hinahambing ito sa maga penikula na napapanood nila. Ito ay hindi piksion, hindi totoo. Enternet at sosiyal midia pinapalabas na ito ay karaniwan pakikihalubiro sa bawa’t isa. Pacebok prend, pinalalabas na pantasia kaibigan na binubuhay sa isang pitik na kalabit.
Pag kakaibigan ay maaring buga nang isang iskuwelahan pinapasukan o di kaya opisinang pinagtrtrabahuhan. Wala itong mataas na kahulugan, ito’y isang komon na lugar na nag bubuga nang isang labanan, pagaligan at matinding paligsahan. Ang isang bagay na pinagtatalunan sa pag kakaibigan ay parating tungkol sa isang bagay na mapapala o makukuha mo sa pagiging isang kaibigan. Ito’y nagiging isang hindi magandang layunin na karamutan. Ito ay nagagahulugan na sa isang kaibigan kung ano ang makukuha mo sa pagiging kaibigan. Kung ang dalawang tao na mag kaibigan ay nag kakaintindihan na ang kanilang samahan ay nagagahulugan nang pag bibigayan at pag tatagap sa isa’t isa, ang pag sasama ay nagiging matatag at tunay, na hindi nag hihintay nang kapalit sa bawa’t tulong na ibinigay.
Base sa naging karanasan ko, maraming beses na rin ako naging biktima na para bangang sinaksak ako sa likuran at trinaydor nang maraming beses nang maga nag papangap na sila daw ay tunay na kaibigan. Naranasan at nakita ko ang maga di tunay at mapakunwaring sa laragan nang pag kakaibigan sa maga samahan na iba ibang kultura. Isa sa maga dahilan nang akin layunin sa pag sapi sa Etnik Press, at sa maga iba ibang samahan nang ibang lahi na pareho ang paksa ko. Upang sa ganoon matutu ako at makatulong sa iba na makaintindi nang iba ibang bagay. Kahit ano ang ibang dahilan sa pakikihalubiro sa isang samahan na katulad nito ay malinis ang aking layunin. Nakakalungkot maranasan ang hindi magandang ugali nang ibang tao na tinuturin mong kaibigan, kapag ikaw ay sinunog na aking naranasan nang maraming beses. Nitong maga nakalipas na taon kahit bago mag umpisa ang pandemia marami ako naranasan na hindi magandang kaugalian sa maga tao na nag papangap na isang kaibigan, na iba ang tunay na kahulugan nang pag kakaibigan na maramot.
Ang pandemia ay nag dulot na kalagayan na malaman mo kung sino ang tunay na kaibigan at sino ang nag kukunwari. Kapag ang isang tinatawag na kaibigan ay binabaliwala ka, ito’y isang napakasakit maranasan at ito’y nagagahulugan na ang taong ito ay hindi tunay na kaibigan. Alam mo na ikaw ay ginagamit lamang. Sa panahon ngayon kunti na lang talaga ang maga natitiran matuturing mo kaibigan. Kahit sa loob nang pamilya na maga kamaganak dahil sa pag lalabana nang paligsahan maging sikat, nangyayari ito. Dahil sa kakulagan nang tunay na kaibigan ang kummunidad ngayon dumarating na sa pagwasak at pag bagsak. Ang ugat nang lahat na ito ay pangkaramutan at walang pag mamalasakit. Ang pandemia ay nakaragdad sa matinding problema at lumala. Ang huling lathala ay nag sasabi na ang pag ka wala nang kaibigan na nag dulot nang kalungkutan sa dahilan nang sunod sunod nang lakdown dahil sa pandemia. Ang iba ay nag sasabi na hindi sila nagkaroon ni isang bago kaibigan sa lumipas na limang taon. At ang iba ay nag sasabi na silay walang kaibigan. Kalungkutan at pagdagdag nang dippression sa pagiging walang kaibigan nakapagdagdag nang maraming suside.
Photo by Toa Heftiba on Unsplash