Asia-Kanadian sa oras nang Kobid sa Amerika
I am Asia-Kanedian. Hindi tulad nang karamihang na nakikita at nalaman mo agag na sila ay galing sa Asia. Medyo ako iyong mukhang Kastilya na may matang kulay na brawan na maputi ang balat na minana ko, sa mga ninuno ko sa parte nang tatay ko na galing sa Espania. Pero sa kategoria siguradong Asia. Filipino-Kanadian na ginawa ang Toronto na tirahan sa mahigit na 40 taon. Sa maraming taon nakalipas na pag tira ko sa Kanada, marami akong naranas at narinig na mga atake laban sa ka lahi ko, pero hindi itong mga atake na katulad nitong mga huli na masyadong biyolente. Siguro dahil lalaki ako at medyo kung kumilos ay parang kaya kong idipensa ang aking sarili kapag nagkagipitan Dati akong nag aral nang karati nong naninirahan pa ako sa Pilipinas kung saan ako pinaganak at lumaki na kaya ang kilos ko sa kalsada ay parang sanay na sa buhay langsagan.
> Itong pandemia ng ito, lumabas ang kahayupan nang tao para bang may karapatan silang mas mahigit dahil dito sila pinaganak. Noon Marso 23, 2021, tinalaga na mahigit na 1150 na kaso ang na ulat sa sosial midya mula umpisa nang pandemia isang taon na nakalipas. Mga 75% ay salita pang iisulto. May 10%, na dinuraan o inubuhan, may 11% na hindi dapat hawakan na sinaktan ang katawan. Isa sa lima nangyari sa kainan, sa pamilihan nang pang kain, kalahati sa parke, sa kalsada, at sa daan nang publiko. Ang naka bahala sa mga autoridad ang kalahati nitong 1150 ay nangyari nitong taon na Ito, na may bata na nasangkot, karamihan mga may wastong gulang na nag iwan ang pangyayari nang kapinasalaan nang pagiisip emotional na nakakasira sa kanilang pag laki.
> Sa Amerika, itong magakasalukuyan ang mga biktima ay ang matatanda retirado sa pangkamuhing krimen. Tinatawag kong pangkamuhing krimen dahil iyon ang totoo. Nag umpisa ito sa ika 45 na presidente na maga pahiwatid na may masamang linalaman na kung saan galing ang birus. Tinatawad niya na Tisyna birus o kung flu birus, noong huling taon niya sa pag ka presidente. Nahawa at umabut Ito sa Kanada, umabot sa malamig na relasion nang dalawang bayan sa pag arestado nang dalawang Kanadiano ganti sa pag hawak sa Bangkuber sa isang mataas na opisyal nang Tisna korporasion Huawei, ukol sa usaping ehxtradision, nang Amerika at Kanada. Ang pinakahuling biktima nang krimen pangkamuhi laban sa Asia ay isang 75 taon gulang na matangdang babae na nag antay mag palit nang kulay nang ilaw pag tawid sa lakaran. Ang babaeng na banggit ay nagagalan na Xiao Zhen Xie na sinuntok sa mukha. Nangyari Ito sa Market Street, San Francisco, California na ang nanakit ay isang lalaki puti na may edad na 39 gulang. Nanlaban ang matandang babae na nakahawak nang kahoy at hinampas ang lalaking nanuntok sa kanya, na napuruhan at na uwi sa isang estretsir. Ang apong lalaki ni Xie ay nanghigi nang tulong sa publiko sa pamamagitan nang GoFundMe, upang ibayad pang gamot sa huspital. Umabot sa isang milyon dulliar ang tulong na binigay ang ibang pera para pang Laban sa krimeng pangkamuhi laban sa Asia.
> Ang pagiging ignorante ay galing sa walang kaalaman. Maaring kabutihan. Maaring nakakasakit. Pag na uwi sa pananakit, Ito’y isang krimen. Nakakalungkot na sa Kanada at Amerika ay mayroon mga ganito na pinipili ang pagiging ignorante kahit ang katotohanan ay nasa harap nang kanilang pag mumukha.