Bisikleta sa Toronto
TORONTO – Mayroon na naman na puting biskleta sa kato kalye nang Bloor at Unibersity. Isa na naman buhay ang nawala at hindi maalis sa akin kaisipan na dapat ito ay di nangyari at naiwasan. Ang edad nang bata ay 18 taon gulang. Lalong mahirap tangapin na ang bata ay mula sa Filipino-Canadian kommuniti. Ito’y maaring isang pamangkin, isang kapatid, kaibigan nang pamilya. Hindi ito ang unang nasawi sa lugar. Noon 2018 sa kalye nang Bloor at St. George may isang babae edad na 58 ay namatay nang ito ay tinamaan nang isang plat beded trak.
Noon 2020 kahit halos lahat ay nasa bahay dahilan sa lakdawn mayroon na ulat na 28 grabeng aksidente na malala at malubha at 4 ang maga namatay sa maga nag bibisikleta. Sa bawa’t isang taon 74 na siklista ang namamatay sa Kanada. Noon din 2020 dinagdagan nang 25 kilometro para sa maga siklista sa Toronto na umaabot na 40 kilometro sa maga linia nang bisikleta. Para mag bigay na malinaw na halimbawa, ito ay nagagahulugan na mula sa kalye nang Bloor at Yonge, ito umaabot hangang sa tabi nang Etobicoke. Ang Toronto ay gumagawa nang paraan para maging kaibigan ang pag bibisikleta sa siyudad. Programa nang ActiveTo, ay patok noon nakaraan taon, na halos lahat nang taga Toronto ay nag susumikap na maging malulusod uli matapos ang lakdawn, maga sinaran kalsada na pinaabot hangang Oktubre. Tingnan mo lang ang kalye nang Bloor, at ganon din ang kalya nang Unibersity, halos wala nang madaanan ang maga motorista sa sikip na lumiit. Kahit na sa papunta sa Queens Quay naging nakaka nerbious na karanasan dahil sa dami nang siklista pati na ang maliit na lakaran nang tao ay sinasakop.
Kung pag aaralan mo, sa tutoo lang ang pag bibisikleta ay napakabuti para sa atin kalusugan. Ito ay nakakabawas sa bakas nang karbon, na isang maliit na tulong natin sa kalikasan. Ito ay ekonomikal na tulong para doon sa maga hindi ka yang bumili nang kanilang sariling kotse. Ito ay isang pinakamabilis na paraan papunta sa kanilang pinapag trabahuan. Na saan na kaya tayo nitong pandemik kung walang “Uber Eats, Skip the Dishes, Foodora,” at maga iba pa. Maga magulang nakikipag banding sa kanilang maga anak sa pamamagitan nang bisikleta. At masuwerte kang makakita pa minsan minsan na nag bibisikleta na may nakataling aso na sumasabay na tumatakbo.
Kahit nang lahat na ito’y parang magandang balita, ang maga siklista ay dapat ilagay sa kanilang kaisipan na mayroon silang kasabay na ibang grupo na gumagamit din nang kalsada lalo na nitong pandemik na mahigsi ang pasensiya nang maga motorista. (Kobid patig ay totoo). Dumami ang maga malalaking sasakyan na nakakasikip sa kalsada. Mayroon paalaala sa maga siklista na maaring makatulong. 1) Gumamit nang helmet. 2) Gumamit nang makulay na tapeta, gamitin ang busina, gamitin ang kamay sa pag senyas. 3) Huwag kang mapusok. Tayo ay kasalukuyan pa nasa pandemia, na malakas na baryant na lalagyan ka sa paganib. Tandaan ang maga kautusan pang motorista. 1) Dahandahan lang. Nakagugulo nang isipan kung ano ang pinapagmadali mo kabang tayo ay mayroon pang pandemia. 2) Huwag mag tuwit o pacebuk kabang nasa kalsada. Tigin nang diretso. Baka di mo makita ang bata sa huling panig mo. 3) Dahil sa iyong pag liko, hindi ibig sabihin na parating ikaw ang may karapatan para lumiko. Nitong tag init, naka kita ako nang dalawang aksidente mag kahiwalay na tinamaan ang hulihan gulong nang bisikleta nang palikong sasakyan motorista sa pulang ilaw nang trapiko. Ilagay mo sa isipan mo na kung hindi ka naka abot sa sasakyan mong bas, mayroon pa naman kasunood. Katulad nang inabutan ka nang pulang ilaw na hinto, sa sandaling minuto ito ay mag papa lit din.
Malilit na bagay na kilos papalit palit na kalagayan at tamang pag iisip nang nag mamaneho makakatulong sa walang sakuna sa kalsada na magiging mapayapa para sa lahat.
Isipin natin na mayroon magulang na nag luluksa sa pag kamatay nang bata tuwing makakita tayo nang puting bisikleta na mayroon maga bulaklak. Tayo’y mag tulong tulong na mag karoon na mapayapang kalsada para sa lahat.
Larawan ni Ricky Castellvi