Buhay Dati Bago Pandemia.
Pag natapos na itong pandemia Ito, at lahat ay bumalik na sa dati, bago dumating ang kobid, sa palagay mo ba, walang pag babago sa buhay nang tao? O balik uli sa dating sarili, at dating ugali o dating gawain? Sa Kanada, kobid 19 kasalukuyan mayroon nang mahigit sa 22,000 ang mga namamatay. Sa Amerika mahigit na sa 550,000 ang namatay. Malungkot tanggapin na lahat nang mga namatay, sila’y namatay na nag iisa. Ang kamatayan nila ay para bagang walang bakas nang kanilang mukha o dignidad.
>> Ang buhay ay parang walang kasiguruhan sa panahon nang kobid na pandemia. Ito’y pare parehong pakiramdam nang mga nabubuhay. Papano tayong babalik sa dati nating alam na buhay, kung malaki ang epekto sa atin? Mayroon akong na basa na isang kuwento sa isang tao na ang pangalan ay Peter. Siya ay mayaman, mabuting tao, matalino at may pamilya. Sa kisap mata, lahat ito’y naglaho dahil sa pandemia, ang kanyang pamilya, yaman, at kalusugan.
>> Itong kuwentong Ito ay mahambing natin sa halos lahat nang taong nakaranas sa sakit nang kobid. Masasabi din ba natin kung ang maga taong katulad ni Peter ay nakakita nang kapayapaan sa pag dasal sa panahon nang kanyang pag subok at kalagayan. Sa mga dinaan masakit na kapalaran ni Peter hindi siya nakalimot mag dasal. Hindi siya tulag nang ibang tao na parehong sinapit niya, na naging masugit, mapaghinakit at mapagsising panunumbat. Sa bandang huli parang binalik nang kapalaran ang lahat o mashigit pa sa nawala sa kaniya. Ang kobid ay matutulad natin kay Peter na kuwento mahirap at masakit.
>> Mayroon kasabihan ang paghihirap at problema ay isang pag subok sa tao. Ang kobid ay parang daan sa atin upang mamulat tayo at makita ang katotohanan. Ang malaking katanugan ay makabalik pa kaya tayo sa dating pamumuhay na alam natin bago magkaroon nang pandemia. Ang lahat na pangyayari sa mundo ay mayroon ka sagutan. May oras sa pagkabuhay, at may oras para kamatayan, may oras pagtatanim, at oras sa pagani, may oras sa paghihirap at oras para gumaling, may oras sa pag giba at oras para magtayo. May oras sa kalungkutan, at oras sa kasiyahan. May oras sa pag luluksa, at oras para mag diwang. Paniniwala pag tayo ay na sugatan, may oras din na gagaling ang sugat. Natuto tayo na lumalaki.
>> Sa paghihirap na dinanas natin sa panahon nang kobid pandemia, mayroon ba tayo natutuhan? Makakita kaya tayo nang aral na sa pagbabalik nang datin buhay natin ay magamit ito para mas mabuti karapatdapat kaysa sa dating alam natin. Ito ang Isang maselang na tanong mula nag umpisa ang pandemia at hininto ang nalalaman nating pamumuhay, naging matatag ba ang paniniwala at pag asa mo’t pananawagan. Naniniwala ako na kahit anong religihion nang tao, sila’y hindi nakakalimo’t manawagan sa kanilang Paginoon sa oras nang paganib. Ang tao ay mayroon na tinatakbohan para maginhawahan at kapayapaan.
>> Na pansin ko na pag ang tao ay nasa masamang kalagayan at nagigipit, doon lang ang puspusan manalaging. Itong pandemia ito marami ang namulat at magdasal upang makaligtas sa sakit na Ito. Pag tayo ay nasa madilim na kalagayan doon lang ang tao nag dadasal. Sanay tuloy tuloy ang pag dadalsal kahit tapos na ang pandemia. Sa aking paniniwala, marami nag bago at namulat sa katotohanan upang ipagpatuloy na ang kaugalian pag dadasal kahit mawala ang pandemia.