DIFFICULTIES IN THE PHILIPPINES. ” MISSION ACCOMPLISHED”

TAGALOG VERSE  (KAHIRAPAN SA PHILIPINAS). “TAGUMPAY LAYUNIN

Ang pag uwi ko sa Pilipinas ay upang bisitahin ang tattlo kong matatadang maga kapatid na may karamdaman. Nang ako’y dumating noong Enero 2020, pinuntahan ko agad ang lalaki kong kapatid na naatake sa puso at hindi nakakapagsalita at hindi nakakatayo. Patay ang kalahating katawan at naka “wheelchair”. Nakilala ako at masaya siyang makita ako. Pagkatapos doon, iyon kapatid ko naman babae ang pinuntahan ko na di kalayuan ang bahay niya. Siya ay tuwangtuwa nang nakita ako. Tinanong ko siya kung may balita sa isa pang babae na kapatid naming, na may sakit na alziemers. Ang sagot ay wala.

 

Kinabukasan, pinuntahan ko agad ang lugar nang hulli ko siyang nakita apat at kalahating taon nang nakakaraan, noon 2014. Sumalobong sa akin ang masamang balita, na ang kapatid ko ay namatay na nang Isang taon lumipas. Hindi ko na sinabi sa dalawa kong kapatid na may karamdaman, na kagustuhan din nang mga anak nila. Ito ang kapatid ko na mayron kami na magkahalong pera sa banko. Pinuntahan ko ang banko at pinaalam ko na patay na ang kapatid ko na kasama sa akkaunt. Ang sabi nang banko na hindi gumalaw ang akkaunt.

 

 

Dahil ako ay nagtrabaho sa banko, alam ko na, ang ibig sabihin into.

Sinabi rin sa akin na mayroon processo ako na kailagan sundin. Mahigit dalawangpung mga dokumento ang gagawin ko na lahat ay dapat rehistro nang abogado. Hinanapan din ako nang katunayan patay na ang kapatid ko. Agad agad ako pumunta sa departamento na nagbibigay nang dokumento katunayan patay.

 

Sinabihan ako na wala sa listahan ang pangalan nang akin kapatid. Sa akin kuro kuro parang may mali. Mayroon lumapit sa akin na lalaki na hindi ko kakilala at nag bigay na payo sa akin na dapat kumuha ako nang taong katulad niya para tumulong  sa akin sa halagan gusto niya. Nag pasalamat ako at tinangihan ang payo niya, sapagkat alam ko na may iba pang paraan. Nag punta ako sa puneraria na namahala sa libing nang akin kapatid at akoy nakukuhang nag kopia na nagpapatibay na siya ay namatay na.

 

Pag balik ko sa banko, mayroon na naman kailagan bayaran sa gobberno. Ito ay ang buwist sa akkaunt. Di ko akalain na dapat pala magbayad sa sarili mong pera natinitipon.Pumunta ako agad sa departamento na namamahala sa bagay na Ito at kinausap ko ang pinakamatas na namamahala. Sinabihan ako na huwag mabahala at masasaayos ang bagay na Ito, sa sandalin mabayaran ko ang buwist at ang mapunuan ko maga wastong dokumento. Nang handa na akong magbayad, nag iba na tono nang taong humahawak nang maga papeles na ginawa ko. Matagal ko nang alam na kapag tangapan nang gobberno and kausap mo, para kang bumubunot nang ipin sa hirap.

 

Sa kahirapan dinadanas ko, Sinabihan ako na dapat kumuha ako nang taga ayos para walang hirap at mapadali. Madaling sabihin Ito, subalit malaking ang perang mawawala sa iyo at, kasagwat ka na sa hindi wastong pamaraan. Hindi ko natanggap ito sa gitna nang pandemia, wala pa rin tigil ang masamang kinaugalian. Dahil sa kobid nagsara ang mga tangapan nang gobberno. Matagal din ang pahihintay ko sa pag bukas nitong tangapan na ito.

 

Nang mag bukas sila, balik na naman ako at pinatuloy ang processo na pagaayos. Iba ibang paraan ang ginawa ko. Pabalik balik ako. At kung minsan halos buong araw ako naghihintay. Sa tiyaga at hirap natapos ko rin at tinangap ang bayad ko at linabas rin ang dokumentong kailagan ko.

 

Dinala ko Ito sa bangko at pi nakita makaraan  ang tattling buwan. Sinabi nang bangko na kalahati lang ang makukuha ko. At ang kalahati ay makukuha ko pagkalipas nang dalawang taon pa. Nagsalita ako na papaano kung ako ay mamatay. Ibig sabihin, wala lang, sa bangko na ang pera mo. Sa Pilipinas kapag naglalagay ka nang pera mo, mabago ka, subalit pag kinukuha mo ang pera mo napakahirap. Ito’y sana mag silbing aral sa mga Tao. Isang buwan makalipas, pag uwi ko sa Toronto, nabalitaan ko na ang binisita kong kapatid na lalaki ay pumanaw na