EPEKTO NANG KOBID 19 SA KASALUKUYAN Guttom sa Pilipinas
Mataas ang pocento san ngalan nang taggutom-mga 18 millioness sa 110 millioness na bubuhay na mababa guhit sa numero nang tag guttom o nag hihirap na makaraos sa araw araw na panggagaylagan sa buhay. Pinalala ito nang kobid 19 nang walang gumagalaw na mga negossio. Lalong lumala dahil maraming tinamaa sa kobid dahil sa kalusugan pag iigat at kawalaan na tubig pang hugas at pang linis. Ang Pilipinong pamilia na kumikita na mababa sa 2200. pesos sa isang buwan ay nasa kategoria na mahirap. Ang kumikita nang mababa sa 1540. peso ay nasa kategoria na mahirap sa pagkain o mas mababa pa sa tag hirap guttom. Ang mga ulat na Ito ay kuha sa nakalipas .na anim na buwan. Sa mga panahon na iyon, ang Luzon na pinakamaraming tao ay nawalan nang kita sa halagan 767.18 billiones pesos dala nang kobid pang hihigpit. Ang dalawang lugar nang Pilipinas na ang Bisaya at Mindanao ay di kasama. Ang paghihirap guttom ay lantaran sa kalsada nang Maynila dahil maraming nang lilimos. Hindi kanaisnais sa panigin sa lahat nang tao. Lalo na kapag ang mga sasakyan ay naka hinto, itoy kinakatok para humigi nang limos. Pati na sasakyan pang publiko ay sinasakyan at dito rin nang hihigpit nang limos.
Noong Disyembre 2020 ang bankong pang daigdig ay nag sabing dahil sa pandemia, madadagdagan nang mahigit sa 2.7 millioness ang mga nasa grupo nang tag hirap guttom sa Pilipinas. Ito’y buga nang mga na walang trabaho at bawas sa mga perang
padala sa Pilipinas galing sa mga nag tratrabaho sa labas. Ang kita nang mga trabahador sa labas nang Pilipinas ay malaking tulong sa ekonomia nang Pilipinas. Nang madeklara ang pandemia noon Marso 2020, maraming nawalang trabaho sa labas nang bansa ay nag balikan sa Pilipinas. Isa itong malaking dahilan kung bakit bumaba ang kita nang ekonomia nang bansa, dahil na putol ang mga padala ng pera na pumapasok sa bayan.
Nasa Pilipinas ako nag babakasion noon madeklara ang pandemia nang pang mundo kalusugan noong Marso 11, 2020. Na bigla at nagulat ang sangbayanan nang ang gobbiyerno ay utos sa pag sarado nang lahat nang kabuhayan. Hindi lang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Hindi tangap Ito nang Pilipino lalo na iyon mga mahihirap na pinagutosan na manatili sa bahay. Lalo na sa mga tao na umaabot sa pang araw araw na kita para pag bili nang pag kain pang araw araw. Ang pandemia ay tinigil ang kanilan kabuhayan, dahil sa tigil nang pinagkakitaan nila nang pang araw araw, na pinag gagalingan nang kanilang makakain. Ang pamumuhay ay na hinto dahil sa kurpue na pinagutos. Wala silang mapagpipiliaan kundi Ito o guttom. Ang mga nag mamaneho nang jipney, malalaking sasakyan, trisikel, ang mga magigisda, mga nag tatanim nang mga gullay, at mga naglalako nang mga iba ibang produkto na makakain ay epektadong lahat. Ang iba ay Hindi sumunood at patuloy pa rin ang kanikanilang ginagawa o makaranas nang guttom. Nakaalis ako sa Pilipinas noong maagang pagpasok nang Hulyo at naka balik sa Kannada.
Kung ikaw ay pinaganak sa maga umuunlad na bayan katulad nang Pilipinas, marahil namulat ka sa kahirapan nang lumalaki ka. Ako’y pang sapu sa pamilya nang labing dalawa. Ayon sa aking mga magulang, ang mga ninuno ko ay galing sa Espania na may dugong maralita at mayaman. Itong yaman na ito ay naubos sa dahilan na marangyang magarbong pamumuhay pababa sa henerasyon ko. Noon bats ako, ang pamilya namin ay kinategoria nasa gitna nang mahirap at mayaman. Sa dahilan labingdalawa kaming pinakakain, pinagaaral, naging mahirap para sa mga magulang ko. Himawan nila ang kanilang pinakmabuti. Maagang namatay ang tatay ko, noon ako ay nagaaral sa mataas na gradong paaralan. Dahin hindi ko gustong makahirap sa aking ina na pinaaral ang ibang kapatid ko, natuto akong maghanap buhay para tustusan ko ang sariling pagaaral. Nagtrabaho sa gabi at naaral sa umaga. Nakapagtapos ako nang dalawang kurso sa unibersidad at pinagpatuloy ko sa mataas na pagpapaaral. Nahinto ito, sa dahilan lumabas ang papeles ko na tanggap ako sa Kanada para manirahan.
Makalipas ang anim na taon, nang unang balik ko sa Pilipinas, ako’y nagulat sa dahilan na ang mga taong mahirap na iniwanan ko, ay naging mayayaman na. Noong una, naingit ako, munit nang malaman ko na marami din sa kanila ay mga patay na, sa dahilan nang batas militar ni Marcos. Karamihan ay na baril nang militar, dito ako natakot. Noon panahon nang ‘70, sa Pilipinas, ang isang tao ay puwedeng yumaman sa isang gabi, at maari din siya ay mapatay kinabukassan dahil sa korapsion. Marami ang mga tinatawag na sinalbage, pinatay nang kapulisan walang laban at walang katarugan nakamit. Dito ko napagisip na tama ang naging passya ko na umalis sa Pilipinas at dito rin nabuo ang kalooban ko na sa Kannada na lang ako maninirahan hangang sa aking huling buhay.
Nang huling uwi ko nitong inabutan ako nang pandemiya, mayroon akong nakaibigan at nakausap na paring alagat nang Diyos. Tinanong ko kung ano ang problema nang Pilipinas. Sa limang iba ibang presidenteng sumunod kay Marcos, walang pinagbago ang buhay sa Pilipinas at lalong naging masahol. Parang ang korapsion ay bahagi na nang buhay nang Pilipino. Parang tanggap na ito ay di na mababago. Ang sagot sa akin nang pari, ito’y dahil sa kahirapan nang buhay. Natatadaan ko ang sagot sa parehon tanong ko sa martir na kalaban ni Marcos, na si Ninoy Aquino. Ang sagot niya sa akin, dahil sa sobrang dami nang tao. Ang isang magsasaka na pinaganak masasaka ay mananatiling masasaka sa buong buhay niya na mahirap. Itoy sa dahilan mga iba ibang sakuna katulad nang bagyo, lindol, pag putok nang bulkan. Patuloy ang ganitong buhay dahil kalagayan nang mga patuloy nang padami nang tao na dapat kumain. Kaylangan mayroon gumawa nitong klaseng trabaho.
Bagamat’ maraming ang mga Pilipinong naghihirap, itoy kaya nang mga Pilipinong pagtiisan. Natatagalan nila ang iba ibang uri nang kahirapan sa tiyaga at hirap. Hinahaluhan na lang nila nang mga katawa katawang biro ang paghihirap. Mataas ang kanilang panukala sa pagsugpo sa kahirapan. Malaki ang pag asa na tatas ang kita nang bayan itong taong ito, at mababawasan ang paghihirap. Lalo na sa susunod na taon Na kasabay ang halalan at bagong pamamalakad nang bagong gobiyerno. Hari nawa mabawasan ang mga naghihirap na tao sa bayan sinilangan ko.