Eras Tour sa iyong likod-bahay: imposibleng hindi bisitahin
TORONTO – Isang beses lang dumating sa buhay nang tao ang pagkakataon kaya ito ay dapat huwag palagpasin. Laluna na kung ito’y konserto nang isang sikat sa buong mundo na si Taylor Swift. Ang pagkasabik na makita itoy ay lalong napakalaki kapag ito’y gaganapin sa malapit sa iyon bakuran.
Bakit nga ba kung ang taong nakatira sa malalayung lugar ay nagagawang pumunta para lang na makita ito, ano pa kaya iyon nakatira sa malapit sa lugar. Lalong tawag pansin ang palabas na ganitong kapag suportado nang pamahalaan. Bakit nga hindi kung malaking pera ang mapupunta sa gobierno. Nakakamangha kahit napakamal ang bayad para makita ito, wala ka nang mabiling tiket sapagkat nabili nang lahat. Kahit sabihin pang hindi magandang ang ikonomia nang bayan, ang mga tao ay handang magbayad at gumastos.
Gusto kong ibahagi sa atin mga mambabasa ang atin karanasan sa pag punta dito. Maaga pa lang ako’y nag punta na upang masaksihan ang mga pangyayari. Bagamat apat na oras bago mag simula ang palabas bubuksan na ang pinto para makapasok ang tao. Maraming pumunta na mas mahigit na maaga dito dahil sa kasabikan. Ang mga tao, bata matanda, babae lalaki, iba ibang lahi, mga aggrisibo at mahihinhin lahat naka todong bihis katulad ni Taylor Swift.
Makikita na ang mga bata ay may kasamang magulang bilang gabay. Ang maga magulang ay nakabihis din katulad nang kanilang maga anak. Katulad sa lahat na konserto, maraming mga iba ibang paninda katulad nang sumbrebro, kamiseta, breslet, at marami pang iba. Hindi rin mawawala ang mga kakanin at inumin kaliwat’ kanan. Ang maga tao ay walang takot sa maga balitang maaring magkaron nang terorista o kahit sa Kobid.
Marahil kaya walang takot ang tao sapagkat ang seguridad ay napakahigpit. Maraming kalsadang sinarado, Ang ibang kalsada ay ginawang pang isahan lamang. Ang daan nang tao ay ganoon din, pila pila. Bawal mag dala nang mga bug, pagkain, inumin at maga iba iba pang bagay. Bawal ang mga nag sisigawan at magugulo nag tutulakan at nag hahatakan. Ang mga gusaling sa paligid nang lugar laluna ang maga hotel ay naka handang mabuti sa mga kasiguruhan.
Makikita na bawa’t pintuan mayroon pulisya o sekyuriti. Ang mga hotel kahit tinaasan nang sampung beses ang presyo nang renta, ito’y punong puno pa rin. Ang maga mydia ay napakarami kahit ang iba ay mag bayad nandoon pa rin. Ang malalaking Kampala lang ang mga walang bayad at maaring makalapit sa intaplado. Maraming tao ang hindi makabalik nang tiket at makapasok sa dahilan puno na ang lugar. Ang unang bahagi na tatlong araw na palabas ay lumipas na tahimik,at matagumpay sapadkat maraming nasayahan.
Sa kanilang pakiramdam sulit ang pera na kanilang ginastos. Maraming tao na ito ang kailagan nila upang makalimot at mag saya at maiba ang maga kapaligiran. Ang susunod na palabas ay itong Huwebes, Biernes, at Sabado. Sanay ito’y maging mapayapa at masaya di katulad nang nakalipas.