FILIPINO-CANADIAN ON (TCDSB) TORONTO CATHOLIC SCHOOL BOARD.
Isang besses mayroon akong nasalihan na pagpupulong na ang paksa ay tungkol sa mga magulang nang mga “Filipino-Canadian” sa kaugalian na pagpapadala nila sa kanilang mga anak sa paaralan nang pang Katolico. Inaamin ko na sa tagal na panahon ako’y nasa Kanada at sa larangan nang pagsusulat ni minsan di pumasok sa sarili ko kung bakit o among dahilan. Ang paniniwala ko ay itoy hindi kayla sa Kanada na ang Philipnas ay 95 % katolico at Ito kaunaunah at nagiisa bansa sa Asia.
Noong naglayad ang Portugesa Ferdinan Maggellan sa illalim na bansa nang Spania para kumuha nang iba ibang produkto sa Asia, sila ay pinadpad sa isla nang Cebu. Pinakilala at pinalaganap nila ang religihion nang Katolico. Ito’y 451 taon nang lumipas na nang tinanim nila na nagging matatag sa Asia.
Nang lumipas ang maraming taon, maraming Filipino kataliko na lumipat nang iba ibang bansa. Maraming nag punta nang Kannada dahil ang bansa Ito’y karamihan ay katoliko. Maraming nag trabaho sa “TCSB” at kaya naman na kaugalian na nang magulang na ipasok ang mga anak nila sa katoliko na paaralan. Marami rin ang lumahok at tumakbo sa halalan, para maging katiwala.
Dahil karamihan na mulat at lumaki na katoliko, ipinapasa nila Ito sa mga anak nila. Parang gullong paikot nang paikot, pasa pasa sa mga ibang henerasion. Ito’y tinuturing malaking tagumpay pagnakamit nila ang layunin nila makapagtapos sa paaralan katoliko, ang maga anak nila.
Ni hindi pinapagisipan o pinagpipilian kung sa paaralan publiko, o paaralan katoliko na ipasok ang anak nila. Siguradong katoliko ang panalo. Kaya naman karamihan makikita mo ang maga batang nagaaral na Pilipinas ang kanilang pinagmulaan Sa simula palang nang paglipat nang ibang bansa, sa simbahan nang katoliko nagtitipon tipon ang maga nag ibang bayan.
Nakakita sila nang kapayapaan sa simbahan katoliko.
Tumutulong sila, sa iba ibang puwesto. Mayroon nagging sakristan sa pari, mayroon mga kumakanta sa misa, sa iba ibang grupo nagsisilbi at sumasapi sila. Katulad nang “CWL, Knight of Columbus, Caritas D&P, at maraming iba pa. Gusto nila makatulong at manilbihan, dahil sa mga panata nilang maging mabuting tao at mabuting katoliko.
Sa mga iba naman, dito nila nakilala ang mga naging asawa at dito narin sila nag simula nang pamilia. Walang duda na sarado ang paniniwala at paninindigan nang katoliko. Kahit na may nalihis sa mga ibang sector nang kristiano, katoliko pa rin ang nagigibabaw sa kanila. Ito’y marahil na malalim ang pinagsimulaan nila bilang Isang katoliko.