Kalibirayting at Rekalibirayting

Matuturing na ako ay baylingual. Nag sa salita, nag susulat at nakakaintindi ako nang Engless at Pilipino. Pilipino ay tinutulad sa Tagalog. Namulat at lumaki ako sa Maynila na lugar nang akin sinilagan at kinalakihan, ang iba ay sa Toronto na natili kong tirahan, mula nang ako ay lumipat galing Pilipinas. Mas matagal ang pag tira ko sa Toronto kaysa bayan sinilagan ko

Ngayon na sabi ko na ang aking propile, bayaan mong ihayag ko ang aking kaisipan kung ako ay nasa bawat’ isang bansa. Sa tutoo lang kina kalibirate ko ang akin pag iisip, pag nasa bayan kong kinasilagan at nag rerekalibirate ako pag balik sa Kanada. Kung baga sa sombrero, pag nasa Pilipinas ako binabalidtad ko, na ang harapan na sombrero ay nasa likod ko, at pag balik ko sa Kanada binabalik ko sa harap. Huwad mo akong pagkamalian, mahal ko Ang bayan sinilagan ko na marami akong magagandang karanasan at dito ako nakapagtapos nang pag aaral. Subalit’ mahal ko rin ang bayan na pinili ko at tiniran matagal pa sa bayan sinilagan ko. Mayroon kasabihan na ang taong nag sasalita nang dalawang klaseng pananalita ay makakabuti sa pag tanda, na hindi mauuwi sa pagiging makakalimutin sakit na tinatawad dimentia. Na gagalak ako sa pag aaral na Ito. Kung nag sasalita ako nang isang salitain, ang pag iisip ko ay binabase ko sa kultura nang lahi, pag nagsalita ako nang Engless Kanedian, nag iisip at nag sasalita ako bilang Kanedian, ganon din kung nag sasalita ako nang Pilipino o Tagalog. 

Mula noong unang balik ko at mga sumunod sunod na dalaw sa Pilipinas, napansin ko ang maraming pag babago sa inspraksatura, dumating ang nag tayuan gusali. Ang dating Maynila, ay naging Metro Maynila. Sa Makati, Ang malaking kampo na tirahan nang mga sundalo, ay ginawang isang siyudad na tinawag, Bonifacio Global City na maraming iba ibang tindahan at maga pribadong tirahan. Ang Divisoria, lugar nang lahat nang mga murang bilihin ay pinalaki na pati ang dating gusali nang mga tiren bumabiyaheng sa Bikol. Tinatawad ko malaking kaunlaran, subalit marami din lumabas na ulat na negatibo tungkol dito sa progresong ito. Nang umalis ako, ang palit sa pera noon ay bawat isang Kanedian dulliar, 6.94 sa peso, pera nang Pilipinas. Sa kasalukuyan 1 Kanadian dulliar ang palit 38.48 pesos, na dagdag nang 82% sa mahigit na apat na pong taon, na marahil dapat na alagaan ang pag taas. Para sa akin, ito’y parang pag kawalang tiwala sa ekonomia nang Pilipinas sa mga dayuhan magagalakal. Nalungkot ako pero hindi ako nagulat sapagkat ang pamamahala nang diktaturang Pilipino ay nag iwan nang maraming kagaulian korapsion na naging pandemia, hangan umalis siya papuntang Hawaii, noong 1986. 

 

Sa maraming taon lumipas, lahat halos nang using ko ay palaging pang aliw na bisita sa mga kamag anak ko na masayang makita ako. Napuna ko sa 110 milyon na tao ngayon, kumpara sa 40 milyon nang ako ay umalis ang trapiko sa Maynila ay lumala. Dalawang dekada na lumipas ang gobbiyerno ay napatupad nang utos sa maga sasakyan gamiting palitan na may huling numero nang nag sasaad na parehas at uad. Ang mayayaman Pilipino ay bumili lang nang isa pang sasakyan na hindi tulad nang lumang sasakyan. Ang panahon ni Marcos ay nag dala nang mga bagon yaman kaya hindi problema sa kanila dagdagan ang mga sasakyan nila na hindi mag kapareho ang huling numero. Para sa kanila malaking tulong ito sa eckonomia. Kaya gumagamit ako nang pang publikong sasakyan tuwing uwi ko. Masyadong maraming oras ang nasasayang tuwing uwi ko, di tulad dito sa Kanada. Dito nasanay na ako na alam ko kung gano katagal ang biyahe mula sa dulo nang A at B. Kahirapan sa Pilipinas pag gumamit ka nang pang publikon sasakyan ang init na walang hagin. 

Ang Filipino ay kilalasa pagiging matiaga sa dami nang mga iba ibang sakuna na taon taon nangyayari. Katulad nang walang tigil na bagyong ulan, baha, pag putok nang bulkan. Dinadaan lang nila sa mga katatawang kuwento. Para sa akin ito’y isang kahagahaga. Sa Kanada hindi sanay sa mga sakuna nang kalamidad. Natatandaan ko noong alkalde si Mel Lastman tinawag ang ka sundaluhan ara humigi nang tulong para alisin ang isno matapos magkaroon nang bagyo dala maraming isno. Nagulat ako dahil alam ko ang Toronto ay daanan nang isno, kaya natawa na lang ako at tinangap. Ang Filipino ay magagalang kapag sumasagot sa mga hindi kakila at may edad, parating may “po” nagagahulugan pang respects. Katulad nang mga Hopon sa pag sasaludo nang ulo, pag bati at pag paalam. Ang mga bata ay hinahawakan ang kamay nang may edad at nag sasabing Diyos po o Mano po, na sinasagot ito sa pamamagitan nang pag tapia sa ulo nang bata na parang binabasbasan, at sina sabing kaawaan nang Diyos. Ang ganitong magandang kaugalian ay hindi nawala kahit gana kahirapan nang buhay sa Pilipinas. 

Gusto kong binibisita ang Pilipinas madalas. Itong huling dalaw ko ay nag papaala sa akin nang Kobid doon at ang hirap na karanasan makabalik sa Toronto. Na kita kong at naranasan ang paghihirap nang Filipino, na sa kagustuhan kong makatulong, binibili ko ang kanilang paninda na hindi ako tumatawad. Umaasa at nag dadasal ako na malagpasan ito nang aking bayan at makahagon sa pandemia na nag dadala nang lagim sa buong mundo.