Karapatan pang tao, sa Pilipinas noon at ngayon

Lumaki sa siyudad nang Maynila na kung san ako pinaganak ay napaka ganda at mapayapa. Ako at mga kapatid ko ay nakakapaglaro sa kalsada na walang ano man  masamang nanyayari. Ang mga magulang ko ay hindi man nagagamba at alam na kami ay nasa mabuting kalagayan. Ang Pilipinas ay nakaranas pa lang nang digmaan at napa ilalim sa mga kamay nang malupi na pamamalakad nang Hapon. Parang bagong paganak palang ang Pilipinas, punong puno nang pag asa at gustong maging bahagi sa pag unlad nang bayan.

 

Lumaki ako na sinusundan ang maga nangyayari sa Pilipinas at ang sang bayanan. Naniniwala ako sa kakayahan nang Pilipino. Unti unti itong nawawala parang bula dahil sa mga di kanaisnais na pangyayari, noon decada nang 60 at 70. Mayroon isang abogado na taga norte na boto sa gobbiyerno. Ang Pilipinas noon ay naguguna sa buong Asia noon, subalit unti unting pabaksak nang pabaksak hangan umabut sa

hulihan. Samantala ang utang nang bansa ay palaki nang palaki at walang mga pag kakataon na maka trabaho ang mga tao at patuloy ang pag hihirap. Ito’y isa sa mga dahilan kaya ako umalis noon decada 1974.

 

Si Ferdinand Marcos ay nanatiling patakbohin ang gobbiyerno nang 20 taon, na dapat 8 lang. Ang pagpatakbo niya nang gobbiyerno ay naging marahas, malupit, maraming nakawaan at di kanaisnais na pangyayari atokratik. Lahat nang mga kasama niya na dating mahirap ay na sipag yaman bigla. Hindi malaman kung saan galing ang pera, lalo na ang mga nasa militar. Ang mahihirap ay lalong naghirap. Ang mga nag alsa boses at nag proprotesta ay dinadampot at kinukulong sa kampo nang militar. Wala man kasalanan kinukulong isang buwan o isang taon, inaabuso at pinahihirapan at sinasaktan. Ang adbokasio pang karapatan pang tao ay nag alsa nang protesta, subalit walang nangyayari at walang magawa.

 

Marami ang umalis nang bayan, at iyon di makaalis ay nagtiis at nag intay sa tamang panahon. At iyon panahon na iyon ay dumating noon 1986 halalan. Sa mga dayaan ginawa na hindi kapanipaniwala ang buong sangbayanan ay nag alsa laban kay Marcos.

 

Apat na pong araw matapos matatag ang samahan nang iba ibang bansa Oktubre 1945, sa San Francisco Amerika, ang United Nation ay gumawa nang panukalang deklarasion karapatan pang tao. Ang panukala ay may listahan 30 iba ibang bagay. Halos lahat ay mga linabag nang gobbiyerno ni Marcos. Una dito ang karapatan mabuhay, kalayaan,

kasiguruhan pang sarili, pananakit sa tao, panghamak sa dignidad nang tao, ang pag kilala sa tao sa harap nang hukuman, kalayaan sa mga pang iipit at dakip, at pag tapon sa tao sa ibang lugar, ang pag lalakbay labas pasok sa sariling bayan, kalayaan pang taong isipan at balita, kalayaan pagtitipon at samahan, kabuhayan matahimik at pang sarili na maralita.

 

Ang batas militar sa Pilipinas ay umabot nang 14 taon na ang ekonomia ay bagsak bangkarote. Na hindi nakabagon muli. Ang hebias korpus ay suspendido, at paglalakbay sa labas nang bansa ay naging imposible. Umalis ako nang bansa na mabigat ang loob at dadamin dalawang taon na nakakalipas nang madeklara ang batas militar. Ang pag asa ko at pagdadasal na matapos sana sa madaling panahon ay di natupad, malaking kabiguan, bagkos tumagal pa.

 

Sa Kannada at pag bumisita ako sa Nueba York, tuwing mayroon alsahan laban sa gobbiyerno ni Marcos, ako ay nag pupunta at sumasali. Parating kong ginagawa ito sa katapusan nang lingo. At balik trabaho sa pangkaraniwan araw. Madalas akong nagbibigay ulat sa peryodiko sa Toronto. Nang naganap ang alsang bayan na mapayapa, ako’y natuwa. Di ako tumigil sa pag tulong sa ibang bansa na nag dadanas na katulad na pagdanas nang Pilipinas sa kamay ni Marcos.

 

Noong 1994, nang umupo ako sa Kanada Imiggrasion Tribunal bilang husgahan ang mga kasong nang hihigi nang katarugan katahimikan at karapatan. Pinakingan at nilitis ko ang bawat kaso at pag hihirap at lupit na dinanasan nang iba ibang tao. Karamihan ay nag sasabing totoo. Bibihira ang di nagsasabi nang katotohanan. Naging mahusay ako sa pag husga sa mga pag hihirap at pang aabuso sa karapatan pang tao. Kahit ngayon, kabang sinusulat ko itong ulat na Ito, mayroon pang aabuso sa karapatan pang tao. Kahit sa gitna nang pandemia mayroon mga liderato nang isang gobbiyerno mapang abuso sa karapatan nang isang tao. Ginagamit dahilan ang kobid para lang masunod ang pang sariling kapakanaan. Damdam ko ang mga dinadanas nang aking mga kababayan sa kasalukuyan gobbiyerno na mas malala pa sa batas militar ni Marcos. At sa iba ibang bansa na nag dadanas din nang pang abuso sa bawat karapatan pang tao.