Kobid/Iniksion
Ang taon 2020 dumaan parang wala man miskinaanong mahalagang at makulay na pangyayari. Wala naka sulat sa akin aklat kung saan ako dapat pumunta at kung ano ang mga pinuntahan ko. Nagumpisa itong taon na ito napauwi ako sa Pilipinas at natapos na nakakulong ako sa bahay sa Toronto.
Noon Enero 2020, ang unang nakitaan nang kobid ay taong nagalin nang Wuhan, Tsina. Ang Kannada ay binantayan ang maga galing sa pinangaligan nang birus. Noon Pebrero, ang unang nakitaan na kobid na hindi galing sa Wuhan, Tsina, kundi sa Erran. At nang dumating ang buwan nang Marso, dito na ediniklara nang “WHO,” ang pandemia na nag dulot na pangyayari walang kasiguruhan, malulungkot, saraduhan nang maga opisina, o ang pinamasakit, maraming namamatay.
Bayaan mo ako na isalaysai ang mga iba ibang kuwento tungkol sa Pilipino-Kannadyan, kung ano ang nagin epecto nang kobid sa kanilang buhay. Ang mga tubong Pilipino sa Kanada ay totoong mga masisipag, nag tratrabaho nang mahigit na 40 oras sa Isang Lingo. Sa kanilang pagka matinding maraming gawain, halos wala na silang panahon na alagaan ang kanilang matatadang mahal na magulang. Kaya naman pinapasok nila ito sa mga tirahan nang maga retiradong na may idad. Nang unang lumabas ang birus, halos 80% ang mga tinamaan sa tirahan nang matatada. Sa unang nilang paiisip, gusto ay alisin ang kanilang mahal sa buhay na mga magulang satirahan nang matatada. ibig nila na ibalik ang kanilang magulang sa kanilang tirahan. Dahil ang paniniwala nang matatadang Filipino na nasa idad nang 70-80 annios, na kung oras mo nang namatay, kahit nasaan ka pareho lang. Kaya naman hindi na umalis ang iba. Iyon iba naman may balak na pumasok at manirahan dito, ipinagpaliban nila muna ang paglipat.
Ang pandemia ay tinamaan lahat na iba ibang grupo nang tao. Noong una tama, panandali lang sarado nang mga establamento. Pero itong pagalawa, marami nang natuluyan magsarado dahil hindi na makabayad nang upa. Ang mga tindahan nang sari sari, mga kainan at nang iba iba pa, dahil walang kita, nagsarado na lang nang tuluyan.
Katulad nang iba ibang tao sa siyudad, ang mga Pilipino-Kanadyan ay nakaranas nang paghihirap makabayad nang iba ibang gastusan. Walang perang pumapasok. Ang pera tulong nang gobbeirno ay hindi sapat, para upa, para sa pagkain, bayad sa utang o sa iba ibang bagay katulad nang telepano, kuryente at tubig. Lahat nang bilihin ay nagtaasan. Maraming matataas na paupahan na naging bakante. Ito’y hindi kapanipaniwala. Datirate mahaba ang naghihintay na mahabang listahan para makapasok o makukuha nang lugar.
Ang maga Pilipino-Kanadyan na pamilia ay iba iba rin ang hinaharap na paghihirap. Dahil na walang hanap buhay parating na lang sila ay na sa bahay. Ang paaralan bukas sarado, kaya naman parating nasa bahay pati mga bata. Hirap na hirap ipaliwanag sa mga musmus na bata na kulang sa pag itindi. Ang ibang bahay na walang koneksion sa “WIFI na kailagan nang mga anak nila sa pagaaral ay nagpakabit. Dagdag gastos sa kanila Ito, kaya ang pag tulong sa kanilang kamaganak sa Pilipinas ay pang samantala naputol.
Ang kalagayan nang mga trahabador ay ibang uri din. Dahil ang mga amo nila ay na walang trabaho, sila’y nasa bahay na palagi. Sila na ang gumagawa nang trabaho nang kanilang mga emplado. Ang iba ay inaalis na dahil sa pagtitipid nang mga amo nila o kaya hindi na kayang bayaran sila. Ang kahirapan na laggay na Ito ay halos buhay ang nakasalalay. Pag sila’y na walang trabaho, mawawala ang karapatan nila manalagi sa Kanada, kaya sila ay napipilitan bumalik sa Pilipinas.
Ang Pilipino ay kilala at hinahagaan sa ugaling madaling mag dala nang iba ibang uri nang kahirapan at kalagayan sa buhay. Kadalasan itong nalalasap na pang yayari ay dinadaan nila sa mga kakatawanan. Hindi kayla sa buong daigdig ang kalagayan nang buhay sa Pilipinas tungkol sa kapayapaan at kaguluhan. Kung papaano Ito dinadala at linulutas nang gobbeirno. Nag labasan din ang mga hindi totoong balita. Iba’ iba masamang at nakakatakot pati na iyon laban sa mga iniksion ang mga kuwentong Ito’y umaabot hangang dito sa Kanada. Na hawa at nakagulo sa mga isipan. Marami ang nag dadalawang isip kung mag papa iniksion o hindi. Sa dahilan mas marami ang mga Pilipino-Kanadyan nasa medicina na nag pa iniksion. Sa bandang huli, lahat Ito’y mag papainiksion.