May sapat bang banyo ang Toronto para sa mga nangangailangan?
Naka tira ako sa Toronto at masasabi ko na siyudad ay mabuti para sa mga tao na may problema sa pag ihi. Mulls katulad nang Eaton sentro ay may toylet bawat palapag at dalawa sa kainan para sa publiko. Sila ay malinis maraming mga gamit na papel na kleanex na palaging linilinis kabang ang mull ay naka bukas. Kung tutuisin mo walang dahilan para maging madumit sa bayan na may 20% riserba nang preskong tubi sa buong mundo. Ang mga laybrari, kommunidad sentro, at mga parkete ay mayroon din para magamit nang publiko sa kanilang pagagailangan kapag ang panahon ay tumawag sa bagay na ito. Kahit ang malalaking tindahan katulad nang Loblaws mayroon din sila. Kung tutuisin mo walang dahilan para sa tao na umihi o dumami sa publiko sa Toronto sa ano mang ordinarion araw, ngunit ngayon oras nang pandemia Ang lahat na binangit ko ay sarado maliban sa malalaking tindahan, lahat ay sarado sa dahilan pag utos na tayo ay mamalagi sa bahay.
Malalaking siyudad sa Amerika katulad nang San Francisco, LA, at NYC laluna ang lugar nang Manhattan lahat kulang sa mga toylet. Sa mga pag punta ko sa mga siyudad na ito na madalas sa mga taon taon, napipilitan akong gumamit sa mga iba ibang paspod na kadalasan mayroon dalawang hangan apat na kubikel. Sa dahilan lalake ako maari naman ako umihi sa labas, sa tabi tabi nang mga pader o sa likod nang kotse. Maraming nangyari ganito sa US na hinuli sa pag ihi sa pabliko na sinampahan nang kaso nang kasalanan sexsual. Mayroon 13 lugar sa Ammerika na kilalang kilala na pinatutupad ito. Para mag karoon ka nang rekord nang sex oppender ay parang sumpa lalu na kung ang ginawa mo ay nag babawas ka lang nang maarestado ka sa kalsada na nakatalikod ka naman at nakaharap sa pader.
Sa Roma mas grabe noong bumisita ako makalipas ang dalawang dekada. Kailagan bumili ka nang expresso o kaputsino para gumamit ka nang toylet. Ang na pag a laman ko ay nakakatawa na ang kape ay lalu kang pang pagbabalik balik sa toylet na masyadong magastus. Sa pag bisitahin ko sa luma kong bayan ay hindi ganon kasama, maraming toylet sa mga lugar pang publiko at mga mull kay lang walang papel na kliniks.
Para mag karoon nang mga toylet sa mga lugar pang publiko ay magastus. Lalu na para paganahin ito ay hindi mura. Ang mag karon nang mga toylet sa mga gusaling pang publiko ay parang pag aakit sa masamang gawain katulad nang droga or prostitusio. At isa pa hindi lahat nang gumagamit nang toylet pang publiko ay iniiwan malinis ito kahit nakita nila na ito ay malinis pag pasok nila. Masamang kaugalian ay laging masama maging sa ano mang lugar kahit sa bahay mo o bahay nang iba o pang publikong toylet. Sa pag lunsad nang LGBTQ transgender sa pag gamit nang mga toylet ay mainit na paksa. Sa San Francisco mayroon toylet para sa mga transgender. Itoy umpisa pa lamang na pasa para sa akin. Ako ay isang libiral na Roman Katoliko at kinikilala at inirispeto ang mga tao ganito. Sabi nga minsan ni Pope Francis “Ang mga homo ay anak din nang Diyos” Lahat nang tao ay kailagan mag bawas sa kanilang pantog kahit anong uri nang kanilang pag katao.