More Than 300 Filipino-Canadian Trapped In Hard Lockdown in the Philippines
Philippine language Tagalog version.
Mahigit 300 na Pilipino-Canadian na ipit sa Pilipinas
Ang huling dalaw ko sa Pilipinas noong taon na 2014 para Iwasan ang lamig sa Kannada. Naka bill ako na tikket Disyembre 2019 na takda ako pupunta sa Pilipinas Enero 15, 2020 hangang Abril 2, 2020. Nakahanda ako nang Isang mascara dahil pumuputok ang bulkan nang Taal. Hindi ko akalain masmatindi pa sa pagsabog nang bulkan ang mararanasan ko, ang kobid 19. At ang hirap para makabalik ako sa Kannada.
Nang umalis ako nang Toronto mayron nang usap usapan na may possible na magkaron nang birus katulad nang SARS. Nang dumating ako sa Maynila, nakita ko ang paglinis nang maga bubong nang mga bahay dahil sa mga abo galling sa bulkan Taal. Sari sari ang tismiss na kumakalat, Itoy dati na kahit noon pang doon ako nakatira. Binabali wala ko ang maga ito sa dahilan na kaugalian ko na ito. Matindi ang usapan tungkol sa byrus, marahil sa dahilan malapit angTSINA sa Pilipinas.
Marahil sa dami nang maga Insik sa Pilipinas na nag tratrabaho sa mga kasino o nagsusugal. Kung hindi naman nag nenegosyo. Siguro, dahil sa mga dumarating iba ibang malalaking selebrasion, katulad nang prosision nang mahal na Ponong Nazareno, Bagong Taon nang maga Insik, at araw nang mga puso. Ang mga masasamang balita ay pinawawalang katotohanan nang maga opisyal nang pamahalaan. Itong mag okasion na ito ay pinagkakakitaan nang malalaking pera nang gobiyerno at maga negosiante. Pinaghahadaan Ito, inaasaan malayo pa. Lahat nang mga selebrasion na Ito ay pinuntahan ko. Napakaraming tao at napakasarap makihalubiro, masayang masaya ang lahat. Mabuti na lang, palagi kong suot ang mask ko pasiguro at Iwas sa abo na galing sa pumuputok na Taal bulkan.
Pagkatapos nang maga malalaking selebrasion, nakahalata na ako na mayroon kakaibang mga pangyayari. Katulad nang sobra sobrang trapiko, higit na limang oras walang galaw ang mga sasakyan na wala naman dahilan. Iba ibang usapan sa “social media” at iba ibang usapan sa radyo. Masama na ang kutob ko, dahil sa iba ibang pangyayari. Ang maga oposina nang gobberno saradong maaga. Maraming nagkalat na sasakyan nang mga sundalo. Parang sinadya nang gobberno na tangi nang tangi sa mga iba ibang balita tungkol sa birus. Biglang bigla na walang sabi sabi nag deklarang “emergency hard lockdown”. Parang katulad noong diniklara ang marcial “law”. Lahat nagulat at na bigla. Walang sasakyan kahit among pang publiko. Ang maga tao lakad nang lakad at bicekleta. Noong sumunood na araw, pati bicekleta na wala din, dahil pinagbawal at dahil sa “curfew”
Pag dating nang tanghali, wala nang tao sa daan. Lahat nang mga pangunahin labasan, sari sari “check point” ang tinayo. Mayroon para sa tao naglalakad, mayroon para sa motorsiklo, mayroon para sa mga sasakyan. Ang mga motorsiklo dapat walang sakai, iyon nagpapaandar lang. Ang bawat isa ay tinatanong kung saan punta. Inu usisa ang mga identipikasion nang bawat isa. Pag hindi tama pinapabalik, kinagagalitan, o kaya binibigyan nang tikket para magbayad nang multa. At ang iba dinadala sa piittan. Itoy parang pang abusong tao. Maraming nababastus lalo nang mga babae, nahihipuan, kung ano ang nasabulsa. Maraming nakukuhang mga dalang gamit na ayon sa mga kapulisan ay bawal. Lahat itoy nakita at nasaksihan ko dahil akoy naka suot nang aking midya “pass” at dala ang kamera kumukuhan nang litrato. Bawal lumabas ang taong may idad na 50 annios at mga bata.
Sa unang lingo, pinagmamalaki nang kapulisan na mahigit na 200,000 ang kanilang nahuli, at natikeytan para mag bayad nang multa. Mayroon na dinadala sa pagamutan, iyon mataas ang temperatura, mayroon din dinadala sa prisinto nang kapulisan, marahil iyon mga hinahanap. Mayroon akong problema dito na hindi ko matangap. Sa Init at taas nang araw, Ang pagkuhan nang temperatura ay hindi parating wasto, kung minsan ang baterria na pangkuha nang temperatura ay mahina.
Ang tinutuluyan ko ay bahay nang kapatid kong babae, na malapit pa rin sa Maynila, nakatira sa Isang mababang “bungalow” nang Isang “subdivision” Sa tanghali sobrang Init, kahit na naka “air con” ka ganon pa rin. Kaya kung maligo ako lima o sampung bases sa isang araw. Kung hindi, maaring ma “heat stroke” o maatake ka sa puso, at madala sa pagamutan. Na mas mataas namahawa ka nang kobid. Kaya napipilitan akong lumabas.
Kung minsan nasa tabi ako nang ilog, illalim nang puno, nag papa hinga at nagpapalamig.
Nang malapit na akong umalis para Kanada, nakatangap ako na balita, na hindi tuloy ang pagalis ko. Inilagay ako sa ibang araw at nang malapit na itong araw na iyon, iniba na naman. Mahigit na tatlong buwan ganon nang ganon ang mga pangyayari at iba ibang dahilan. Mayroon sinasabi na walang eroplano, saradong airport, ang bayan na daraan nang eroplano hindi tumatangap nang mga pasahero na hindi nila kababayan. Nakipag ugnayan ang bayan Kanada sa “Philippine Airline” para makauwi ang mga Kanadian na naipit sa Pilipinas. Ang hindi marahil alam nang gobbeirno nang Kanada, ang sobrang mahal nang pamasahe. Tatlong besses ang taas, kumpara sa “regular .fare” at Isang direksion lang, at ganon din, walang kasiguruhan kung kailan ka makakaalis. Nakipag ugnayan ako sa mga alam kong tao na kapareho nangkalagayan ko. Sari sari ang maga masamang balita ang natanggap ko. Kahit na mapaganib ang biyahe na pauwing Kannada, sa awa at tulong nang Diyos akoy nakarating na maginhawa. Ang ibang maga taga Kanada na trap, ay na doon pa rin hangang nga yon.