MULTITASKING

Bago ko pa marinig ang salitang iba ibang gawain matagal ko nang nakasanay ang ganitong ugali sa buhay ko bago umiikot at lumabas itong salitang ito. Noon binata pa ako kabang nag luluto ako, nag plaplansa ako sabay at kung minsan sabay pang nanunuod sa telebisyon o nakikinig nang tugtugin. Tanong na iba, bakit? Ang sagot ko, madali akong mabagot laluna pag ang gawain ay paulit ulit. Pag maraming gawain na kaya mong pag sabay sabayin nakakapag hamon sa akin kakayanin. Kapag na naipit at nahinto ang isang ginagawa ko at nilipat ko ang pansin sa ibang gawain, parang nagiging daan o dahilan Ito na pag balik ko sa unang dating ginagawa na nahinto, nagiging mabilis tuloy at gumagaang. Maaring mahirap at magulo ito sa iba pero hindi para sa akin.

 

> Parang nakakakuha ka nang sulusion sa unang problema at pag balik mo mayroon ka nang paraan. Parang katulad nang unang plano mo ay planong “A”, pag di umubra, punta ka sa planong “B” o “C” na bahagi nang akin iba ibang ginagawa. Kapag na pag susuri mo maari kang mamili kung ano ang  pinak mabuti at doon ka makakapamili, kung ano sa paniging mo.

 

> Gawain iba iba nakaya mong gawin sabay sabay sa tingin nang ibang tao na kaya nila gawin. Sa iba naman ang ganitong gawain ay parang hindi ka magiging magaling sa ano pa man gawain. Kapag ang iba naman ang pag gawa nang isang bagay sa isang sandali ay mas mabuti. Ito ay may kanya kanyang paniniwala at kabutihan na maaring pag talunan sa mga usapin.

 

> Sa akin kalagayan marahil nakatulong na akin kinamulatan at kinaugalian noon aking kabataan. Noon kabataan ko, nag aaral ako nang kabuuang pag aaral sabay nang pang kabuuan nang pag tratrabaho. Na kung minsan pa ay dalawang yuogto ang oras o pag sobra sa oras kapa kinakailagan. Hindi lang iyon mayroon pa akong nakaugalian na nag nenegosyo sa isang bahagi, nagagalakay ako sa pag bili at pag benta nang iba ibang bagay. Kahit anong kaisipan mo, marahil binili ko at binenta katulad nang mga damit, alahas, sigarilyo, alak, lahat at kahit ano binibili ko nang mura at nine benta ko na may kita.

 

> Noon lumipat ako sa Kanada, dala ko pa rin ang aking ugaling nakasanayan kabang ako ay namamasukan sa Royal Bank nagagalakay pa rin ako nang bumili at mag benta. Nang lumipas ang maraming taon, dumating na mas malaki ang kinikita ko sa pagagalakay sa pag bili at pag benta kaya ako nag bitiw sa trabaho sa bangko at binuhus ko ang lahat nang akin panahon sa pagagalakay na bumili at mag benta. Para sa akin napatunayan ko na ang gawain iba iba sabay ay naging tagumpay hindi ko masasabi para sa iba. Kung kailangan gawin uli, hindi ako mag dadalawang isipan at gaga win ko ito uli.

 

> Gawain iba iba sabay para sa akin Ito’y puwede sa lahat nang bagay pati sa aking pag sulat nang artikulo. Kung sumusulat o gumagawa ako, kadalasan sabay dalawa o tatlo. Kapag naubusan ako nang pag iisip sa isang artikulo at tumigil, lumilipat ako sa ka sunod na artikulo at nag papatuloy nang pagalawa o palipat lipat. Mayroon na kapag tanong kung ano ang maaring kakulangan nito? Ang sagot nang iba ay maaring ang isang maaring maging bahagi nito ay hindi tamang luto o wastong tapos na proyekto. Maaring tutoo ito sa iba, pero para sa akin na binabalik balikan ko Ito isa, dalawa o tatlong beses at sinusuri kong mabuti hangang maging sapat sa akin panigin at pag iisip. Ito ang mahalaga para sa aking tamang gawain.

 

> Nakakapag hinayang ang gawain iba iba na sabay ay hindi para sa lahat. Ang iba ay sanay sa gawain iba iba sabay, ang iba ay hindi. Iyong mga taong mabilis ang takbo nang pamumuhay at maraming mga iba ibang uri o sari sari ang mga aktibidades o pinapanagutan sa kanilang buhay, ay parang baliwala sa kanila Ito. Subalit ito ay mapag kamalian nang marami na baka mayroon ibang natatagong balak gawain o pakay. Sila’y ay marahil nag hahanap lang nang paraan makakunekta lang para sa ibang layunin. Halimbawa ang isang tao na abalang abala sa rehilion at sabay na itong taong ito ay abalang abala sa politiko, maaring gawin daan lang ito para maimpluwensahan ang mga ibang grupo. Dalawang bagay na mag kabilang mundo, ang tao ay mag hihinala sa tutoo lang.

 

> Gawain iba iba na sabay ay maaring hindi maging wasto ang lahat. Maaring makumpromiso ang kagandahan nang  proyekto. Maaring mag karoon nang pag kakamal sa pag mamadali. Maari din na mapag halo halo ang mga bagay bagay. Maari din Hindi gusto Ito nang ibang tao na kasangkot dito sa isang bagay, at ang pokus ay hindi wasto.

 

> Kung ang gawain pa iba iba na sabay ay hindi makakapahamak sa gawain nang iba magaling para sa iyo. Ang kasabihan na ang mas marami ay mas magaling ay tama para sa mga gawain iba iba sabay. Para sa kanila ang buhay ay sapat lang.