Mundo na Pananaw
>> Ilan beses natin naririnig ang panalita na “kung maganda ang pakiramdam siguradong maganda”. At ang salitang, pang gagatuwiran sa panahon Ito, ang pag tanggap sa isang kilos na pag walang nasasaktan akong tao ay tama lang. Gano kalukuhan at kabulustugan ang kasabihan ito, na nakakatakot paniwalaan.
>> Tingnan natin ang kuwento nang isang batang babae na tanggap niya na ang paninigarilyo ay nag bibigay sa kanya nang kasiyahan. At kung mayroon mang masasaktan ay siya lamang at wala siyang sinasaktan. Ang ganitong pananalita ay mali at walang katotohanan. Malamang siya ay hindi marunong humarap sa katotohan na ang mga mahal na kamaganak nakapaligig sa kanya lalo na sa mga kasama niya sa bahay. Na alala ko ang isang di kanaisnais na karanasan masaksihan ko ang isang kaibigan dumanas nang hirap at kamatayan sa maagang edad na 45 anyos nang pumanaw dahil sa sakit na kanser sa baga, dulot nang paninigarilyo. Ang kanyang ina ay walang tigil sa pag saway at babala sa kaniya sa paninigarilyo. Oo, ang kaibigan kong Ito’y sinaktan ang sarili niyang katawan. Hindi namin malimot nang siya ay nag kikimo, raydiasion, at operasion sa ulo, dahil na puno nang tubig ang utak sa paninigarilyo. Kabang siya ay nakaratay sa kanyang higaan paniwala niya na wala siyang sinaktan kundi ang kanyang sarili. Di niya pansin ang mga nakapaligid na nag mamahal sa kanya ay lubhang nag dadalamhati sa sakit na makita siya sa katayuan niya. Di niya na saksihan ang pag durusa na natamo nang mga nag mamahal sa kanya sa dahilan wala na siyang buhay. Nang siya ay nag umpisa manigarilyo, at naniwala na Ito’y nag dudulot sa kanya nang kaligayahan, di niya akalain na ang pinagarap niya nang matagal na mag karoon nang anak, ay maiiwan lang niya na maagang na ulila sa ina, sa edad na apat.
>> Sa kanyang ligtas na pag isip, na kanyang katawan ay walang may karapatan kung di siya lang. Ang huling pagagaktuwiran na katawan ko Ito, sino ka ba para akong husgahan mo.
>> Ang mga taong di nag iisip sa mga iba ibang posibleng mangyari, ay na bibilayukan sa mga karanasan. Ang karanasan ay bahagi nang pang araw araw na kaalaman at karanasan. Mayroon na niniwala na sa karanasan tayo natututo at ang pag kakamali ay siyang nag tuturo sa atin nang tama. Mandalas natin marinig matunog sa pag kakamali. Natututo ba lang sa karanasan? Bagamat mayroon pag kakamali na panandalian epekto sa buhay, mayroon din pang habang buhay. Ang pag kakamali ay malaking dagok na mahirap baligtarin. Ito ang isang karanasan na di kanaisnais na maranasan sa buhay.
>> Mga aral na natutuhan sa pamamagitan nang diretsong karanasan o mga karanasan nang iba. Bilang bata, masuwerte tayo na may magulang na may karanasan upang ituro sa atin. Ang tinutukoy ay ang mga magulang na malawak ang pag iitindi at pang unawa. Mga magulang na napatunayan nila ang kanilang sobrang pag mamahal sa kanilang mga anak. Ibinabahagi nang magulang ang kanilang karanasan, upang sa ganon matuto silang umiwas sa mga dating karanasan. Oo ang pang sariling karanasan ay mahusay. Di ibig sabihin na huwag bigyan pansin ang karanasan nang iba. Ang buha nang tao ay napaka higsi para mututuhan at maranasan lahat nang karanasan.