New York, New York, Tag Araw ng 2021
Ito ang makikita sa Times Square ngayon: New York Now. Nung nakaraang taon, matumal ang ang mga taong nagtitipontipon sa Times Square dahil sa pandemya: New York A Year Ago. Pero ngayon, bumabalik na ang sigla sa lugar na ito.
Nung nakaraang buwan ng Hunyo, nagkaroon ng isang konsyerto at pasayaw sa Times Square para sa Art Education. Pakalipas ng dalawang araw, inanunsyo ng New York Times ang “Official NYC Homecoming Concert in Central Park” na gaganapin sa August 21, 2021, sa pamamahala ng isang kilalalang musikero na si Clive Davis. Itong konsyerto ito ay umaaasa na pupuntahan ng 60,000 na katao na manood at nakakalat sa damuhan ng parke. Sabay dito ang pagbukas ng Broadway sa September 14, 2021. Mga tikets ay bumibenta nang mabilisan.
Sa pagsulat nito, may mga 44.9 % na New Yorkers na ang nabakunahan ng dalawang doses. Hindi na kailangang magmaskara sa pampublikong lugar. Sa isang Torontonian na sumusunod parati sa mga Covid protokol, nakakagayuma ang mga nabanggit na mga aktibidad na gaganapin sa New York. Kung puwede lang ay bumisita sa siyudad na iyon tulad nang dati bago magpandemya. Ang Porter Airlines na pinakamadaling sakyan para sa mga Torontonians ay bumalik sa paglipad nung July 20, 2021.
Isa sa mga paghihimok nila ay ang pasahe na $316.96 na balikan sa NYC para sa isang pasahero kung babiyehe ng August 14 at babalik ng August 22. At puwedeng manatili sa Sheraton New York Hotel habang nandoon na ang babayaran lang ay $200.47 Canadian. Kung ikaw ay mahilig na manood ng Broadway musikal tulad ng Hamilton sa September 30 na bumibenta ng $421.37 Canadian o $542.10 Canadian pa rin, o ng Wicked na ipapalabas sa September 14 sa presyong $827.27 hanggang $864.71 Canadian o Chicago na ipapalabas sa September 26 sa presyong $71.86 hanggang $240.35 Canadian, ito na ang pagkakataon mo. Mga fans ng Harry Potter and the Cursed Child ay maghihintay sa pagbenta ng mga tiket nito samantalang ang Lion King ay sarado na ang pagbebenta ng mga tiket sa pagbubukas ng musikal na ito sa September 14. Kung maghihintay ang sunod na bentahan ng tiket at gusto ang presyong $90.60 hanggang $240.38, e di mabuti.
Ang NYC pagbisita kasama na ang panonood sa Broadway musikal at Central Park konsyerto ay nangangahulugan ng malaking gastusan pero kung nagtrabaho ka sa bahay nitong nakaraang 17 na buwan, malamang nakaipon ka ng malaking halaga na maaaring itustos sa isang karapat-dapat na paglilibang sa isang siyudad na dating punung puno ng buhay at bumabalik sa pamamagitan ng Broadway at Central Park.
Ika nga ni Frank Sinatra sa kanta niya, “luck be a lady tonight”.