Pagkain Pang Diplomasia.

Kumakain ako nang adobo simulat mula pa na akin natatandaan. Ang adobo ko ay manok at baboy na pag luluto ay katulad na tulad nitong nasa larawan kasama nitong artikulong. Ito ay ang pambansang pagkain nang bayan na pinanggaligan sa Kastilya salita na “adobar” na ibig sabihin ay ang preskong pagkain ay binabad sa suka at iba ibang mga ispises. Ito’y isang makasaysayan pamana nang Espania sa Pilipinas sa mahigit na tatlong daan taon at bente singko pag papatakbo nang bansa. Ang pag tira nang Kastila sa bayan ko ay maraming mga bagay na di lang nakikita sa mga pagkain kundi sa mga pagalan na katulad nang sa akin. Ako’y galing sa pamilyang na labing dalawang mag kakapatid isang tatay isang nanay na lahat puro Kastila ang pagalan. Adobo ay luto sa iba iba dipende sa rigio. Sa norte parte Ito ay luto sa sukang binabad. Sa kalakihan nang Maynila Ito’y hinaluhan nang toyo sa pag babad. At ang Bikol na pininsula Ito’y linalagyan nang yata sa niyog pag malapit nang maluto. Kahit na anong klase luto ang pag handa nito ay kinakain ko kasabay nang mainit maputing kanin. At kailagan kong idagdag na ang Adobo ay isang uri nang pagkain na hindi kontrobersial na ibig sabihin walang bayan o ridgion umaangkin at walang nag sasabi na itoy hindi tunay na pag aari nang Pilipinas at dito nag simula ang orihinal.

 

Itong dalawang dikadang nakalipas maraming nag labasan na mga kontrobersial kung saan saan bayan galing ang mga iba ibang pagkain. Kimchi ay nasa gitna nang mainit na labanan nang South Korea, China at Japan. Ito’y mahanghang na mainit na pinatagal na binabad na ripolio kilala sa South Korea na Ito ay ang kanilang pambansang pagkain na kabit sa lahat nang pag kain sa South Korea na pinagalanan nang UNESCO na hindi nahahawakan bilang Cultural Heritage nang bayan na iyon. Sa BBC Travel of December 18, 2020 China ay nag deklara na Ito’y galing sa kanila at sila ang tunay at unang mayari nito. Nag karoon nang mga dibate sa sosial midya laban sa China at South Korea. Noon 2001 kimchi resipi ay kinodikohan na para sa Japan na tinagurian na kimuchi mahanghang na pagkain na pinababad nang matagal na gulay na naging opissial na pagkain nang Atlanta Summer Olympic nang 1996. South Korea ay nag pitision sa WHO at sa UN Food Agricultural Organization’s Codex Alimentarus para palabasin ang International standard nang kimchi. Ang salitang “Gastrodiplomacy” ay ang naging ralliying sigaw nang South Korea sa kampagia nila sa kimchi.

 

Gastrodiplomacy ay paraan na ginagamit nang bayan nag lulunsad nang kanilang kultura diplomasia sa kanilang pagkain. Ang salita ay gawa nag Economist noon 2002 pag bangit sa Thailand na sikap inilunsad ang kanilang  sa buong mundo na pinasikat na kilalang kusinero beterano na Si Paul Rockower kung sino ang sumulat nang “Gastrodiplomacy na nag sasad na ang pinak madaling paraan na makamit ang puso at isipan nang isang tao ay sa pamamagitan nang tiyan”, at Si Sam Chapple-.Sokol na sumulat sa gamit nang pagkain ay naging instrumento para magawa ang pag iintindi nang ibang kultura sa kaisipan mag kahalo at tulugan. Nitong dalawang dikadang nakaraan Gastronomy ay ginamit sa diskursion na para idipensa kung saan nang galing ang kaunaunahan orihinal nang kakanin para makilala ang pamana nang lahi at sa ekonomia pamamaraan. Isang bagay na mabuti ang kinalabasan nito pag tatalo na usapin nang tao sa buong mundo ay na tutong may mga iba ibang pagkain at natuto na lumabas sa kanilang komportable na kalagayan pag dating sa ngalan nang pagkain. Naging malakas ang loob nilang sumubok nang pagkain nang ibang klaseng tao at ako ay isa naroon.

 

Mga pagkain na tinagurian ibang klaseng kakanin ay ang feta cheese na ang korte ay siyang nasabi noon 2005 na Ito ay nag simula sa Greece laban sa European Union. Pork sausage nang Slovenia ay nabigyan proteksion disignasion na origihinal sa Eu laban sa Austria; Pavlova minatamis pinagalanan sa isang Russo na baylarina mananayaw na hangang ngayon ay pinag lalabanan pa nang Austria at New Zealand; humus isang sawsawan galin sa tskpis na pinagtatalunan nang Istrael at Lebanis kahit na may impormasion na Ito ay dinala nang isang Arabo na Hudio sa Istrael noong 12 dekada; krosant na ang pag kaalaman natin lahat ay galing sa France pero inaangkin nang Autria na sa kanila nagsimula at galing Ito mula sa “kiptel” korte kalahati nang buwan na tinapay gawa nang panadiria nang Austrian bekeri palatandaan nang kanilang pag kapanalo sa mga Ottomans; beef Wellington, Ito’y lantaran na malinaw galing mula sa Duke of Wellington na nalo sa Waterloo laban kay Napoleon Bonaparte; pero ang pag babalot sa pastel ay palaging produkto nang French na isipan; at ang Swidish meatballs ay hindi naman talagang Swidish kundi Turkish nang malungkot na inamin nang Sweden na Itong resiping Ito ay dala galing sa Sweden ni Hari Charles tuwelbe noon siya ay nanirahan sa Bender nang mga Ilan taon na Ito ay pinamumunuan nang mga Turko.

 

BBC biyahe ay nag punta nang Kanada 6 nang Mayo 2021 at sa kanilang labas na digital pinag usapan ang poutine pagkain pinamumulaan nang pritong patatas, kulot na keso, sarsa nang graybi. Ang salitang Ito ay mula sa France ibig sabihin “magulo”. Puting ay lumabas noong 1957 sa kape Ideal sa Warwick maliit na bayan na nasa pagitan nang Montreal at siyudad nang Quebec. Nag simula Ito nang mayroon isang nag mamadaling bumibili na nag sabing pa bili nga nang pries na may halong keso. Sagot nang nag bebenta magulo Ito. Sarsa nang draybi ay na dagdag makalipas ang mga Ilan taon. Ang pagkain Ito ay lumalaki sa mga kapihan at mga bistru noong 70s. Sa mga saga nang Burger King at MacDonald noong 80s at sa buong bansa noong 90s. Mukhang walang malay ang putin pero nag bibigay kapurihan pamana at kultura sa Quebec na may kaibahan na nag papaalala sa mga nag sasalitang Pranses na probinsia na sa kanilang kampaniya na maging isang indipendensia sa reperendum noong 1995 na humiwalay sa Kanada na muntik na silang manalo sa malit na diprensia. Hangang ngayon mayroon kaibahan ang Kanada sa Quebec pag dating sa kultura at sa pananalita at ang putin ay siyang kahulihulihan pag kakaiba sa mga Francophone probinsia at Kanada. Nicolas Fabien-Quellette sa kanyang 2016 pag gawa nag isang pag aaral tungkol sa putin na pinagalanan niya na Poutine Dynamics na “dapat lang daw na itoy tinatakan na gawang Quebec at hindi Kanada para paunlarin ang kultura nang Quebec na siyang tama.” Ang kabuuan nang putin ay hangang ngayon ay isa pa rin pinagkakaabalahan nang pag uusap usapan sa pagiging maka iba nang Quebec sa Kanada. Walang duda na Ito’y nagugustuhan nang mga Kanaidian kasama na rin ako. Sa CNE sa gusali nang mga pagkain bago magkaron nang pandemia maraming nag bebenta nang poutine May orihinal at may iba iba rin klase sa dahilan hinahalo sa ibabaw at parating mahaba ang pila nang mga bumibili sa tindahan Ito. Sa pagalan lang nang putin nagagahulugan na Ito ay orihinal.

 

Sa pagkain mga nabangit, at mayroon din karamihan ako na banggit nagigibabaw na may kahalagahan mga lumabas katulad nang pag papa halaga sa mga kainin. Isa na akong sa mga nakakarami na may mga pagkain diyan na magugustohan nang karamihan na  sapat lang sa akin kagustuhan at pang lasa. At tanggap ko na magkaroon nang mga usapan tungkol sa pagkain para maintidihan ko ang mga ibang kultura at kaugalian. Si Hillary Clinton sa kanyang pag babiayahin madalas upang tukuyin ang pakikipag ugnayan sa mga ibang bayan nong siya ay Sekretaria nang Istate kapanahunan nang administrasion ni Obama minsan binangit na pagkain ay ang pinaka matandang gamit para sa diplomasia.