Pilgrimage of Lifetime- Roma Etalia
Sa buhay nang tao dumarating ang panahon na nag hahanap nang isang lugar mapuntahan na tama para humanap nang kapayapaan sa kalooban. Pinili ko ang Roma Etalia sa akin buhay. Itong bagay na Ito ay walang mahabang pag hahanda dahil sa ang tiket sa areoplano ay napaka mura sa kunting oras. Hindi ko alam na kung ano ang mangyayari, na isa to sa kinaganda. Nang nasa eroplano ako, duon ko lang tinignan ang aklat nang isang biyahero ang mga pangunahin lugar na dapat makita. Halos di ako makapaniwala sa dami nang lugar na tila hindi mo matatapos kahit isang taon ang oras mo at hindi mo malaman kung saan ka mag uumpisa.
>> Ang unang hinto ay Milan, nanakita kong buong lugar sa taas nang alitap tap. Ang synod Na hinto ay Roma, na aking distinasion. Sa paliparan, Na gulag ako na makita mga pulis na puro armadong matatas na uri nang baril medyo nabahala at kinutuban ako na bakit ganoon. Nang makakita ako nang mga pari at madre, na pa atavistic ako nang kunti. Tiningnan ko at pinagaralan ang mga daan at papano makarating sa mga lugar. Mayroon akong hawak na sulat pang anyaya sa Kardinal nang Pilipinas, na kung ako’y nasa Roma, maari akong tumira sa bahay tirahan nang mga Pari. Tumawag ako sa telepono at napagalaman na walang bakante, dahil maraming bisitang pari galing sa Pilipinas. Nakakita ako nang isang Filipino na kung kumilos ay parang taga roon siya namumuhay. Kinausap ko at napagalaman ko na siya ay isang tueper na nangmamaneho mula sa paliparan papuntang siyudad nang Roma. Nasabi niya na kakatapos palang siya nag hatid nang mga Pilipinong na nag tratrabaho sa kompania nang “Philippine Airline” sa otel. Nag bakasakali ako na puntahan ang nasabing otel, at nakakita ako nang kamaganak at inalok ako na tumira sa kanilang tinitirahan. Hindi ako tumanggi sa aloha na walang bayad na manuluyan sa mataas na uri nang otel sa Roma.
>> Dahil madalas at sanay ang kamag anak ko sa mga lugar sa Roma, siya ay nag alok na siya ang mag dadala sa akin sa iba ibang lugar. Ang unang pinuntahan namin ay ang Batikano. Namangha ako na parang napaka banal na lugar ito, para puntahan. Ito ang matagal ko nang pagarap sa buhay bilang isang Katoliko. Ang kamag anak ko ay maraming kaibigan madre na tumutulong sa Papa, kaya naman naka pasok kami sa tinitirahan nang Papa. Hahawakan ko ang koronang nang Papa, punong mga brilliante at mamahalin bato pang alahas. Ang bisitang isang araw ay parang katumbas nang isang tao sa tagal. Nakita ko rin ang katakom na patuloy daw ang pagbubunkal hangang ngayon. Parang hindi kapanipaniwala na makita ko ang lahat na lugar na mga ito na nakita ko lang sa pelikula. Ang kagandahan nang Kolisium, parang dinadala ka sa panahon nang maga labanan nang mga beteranong galaddiator. Binisita ko ang mahigit isang daan na iba ibang lumang Simbahan, na hindi ko alam kong anong uri nang regehelion at wala akong pakealam.
>> Bilang magandang ganti ko sa mabuting pagasikaso sa akin, umupa ako nang pribadong kotse at sila ay sinakay ko at pinasyal sa buong siyudad. Matapos mapuntahan ang buong siyudad, nag maneho din ako nang malayuan katulag nang Banesiya, nasa balak kong puntahan. Sa daan papuntang Benesiya, na mangha kami sa mga monesterio sa taas nang bundok. Ang kalsadang papuntang sa Benesiya ay napaka ganda at napaka linis at alam mong malayong magkaroon nang aksidente. Napansi din nang kamag anak ko ang maingat na pagmamaneho ko. Dinaan namin na mahigit sa isang daan na kuweba nang sasakyan. Dinaan din namin ang sikat na simbahan ni St.Francis Assisi. Na mararamdaman mo na parang napaka banal mo sa loob nang makahulugan bagay na may kinalaman sa regehlion mong Katoliko. Na gunita ko rin ang napakamahal na binayaran ko sa buong buhay ko, bayad sa kalsada na mahigit isang daan na Lira, ngunit sulit. Sa Benesiya nang sumakay kami nang barko papunta sa Katidral nang San Marko, parang nasa pelikula ka nang James Bond, dahil sa mga gandola na may kumakanta nang O Solo Mio. Nag punta rin kami sa gusali nakatagilid na toreng Piza. Na iisipin mo papanong tumagal sa katauan ganon.
>> Ang sumunod na pinuntahan namin ay sa ibaba nang Roma, Sorrento, Pompei, at Cappri. Dinaan namin ang bulkan nakakamangha Mt.Vocivious. Bumabalik sa kaisipan ang mabagis na pag sabog nito, natabunan ang maraming bayan siyudad Na kinamatay nang maraming tao. Ang taas nang Cappri ay walang kaparis nakakalula at nakakatakot ang bagin. Nakita namin ang sikat na kulay asul na grotto na kuweba nasa tubig mapupuntahan lang sa pamamagitan nang bangka.
>> Pag balik sa siyudad nang Roma nagpunta ako sa embahada nang Pilipinas sa payo nang Konsulado sa Toronto. Dito ako ay binigyan nang diplomatikong kasulatan na mayroon oras ako para makita ang Papa John Paul pagalawa, nakasalukuyan Papa. Ito’y wala sa plano ko at di inaasahan. Sa takdang araw, dumating ako nang maaga. Nagulat ako sa haba nang pila na mayroon 300-500 katao. Lumapit ako sa isang pulis at nagtanong kung kaylagan din pumila ang isang mediya na katulad ko. Pagkakita niya sa aydi ko, sinabi niya na hindi ko kaylagan pumila at dinala ako sa pinakaunang liniya at pinapasok agad ako. Nilagay ako sa pang apat na hilera nang upuan. Dahil bakante .ang una hangang tatlong hilera nang upuan, nagtanong ako kung puwedeng umupo ako sa unahan hilera. Ang sagot sa akin ay para sa mga mayroon diplomatikong kard iyon. Pinakita ko ang diplomatikong kard Na binigay sa akin nang embahador at ako ay pinayagan umupo sa unahan. Hindi pa nang tatagal ang pagupo ko, mayroon dumating na grupo na may malaking bandera na nag sasabing silay mang aawit galing sa Pilipinas. Tinawag ko ang pansin ang kanilang pinakamataas na guro at kinausap ko kung maari maging tagakuha ako nang larawan nila nalibre. Pumayag nang makita ang kard ko na mediya at diplomatikong.Hinigi ako nang pahintulot na makasama nila sa taas nang altar. Tuwang tuwa ako sa mga pangyayari at nagsimula kumuha nang larawan. Nang dumaan ang Papa Santo para basbasan kami, nakita ko na parang hirap humakbang sa hagdan kaya ako tumulong at hinawakan ko ang Papa at hinalikan ko ang kanyang sinsing bilang bigay galang. Tumayo ang buhok kong balahibo, parang nasa ikasiyam na lagit ako. Hindi ako nagkamali sa aksion kong pumunta sa Roma Etalia. At kung bibigyan nang pagalawang pagkakataon papunta uli ako.