” PILIPINAS KARAPATDAPAT NANG MASS MABUTI PA RITO.”
Kapag hinaharap mo ang ibig sabihin nang BAYAN KO, makikita mo tunay na pagmamahal sa inang bayan. Ang katang Ito’y hindi siya ang oppissial na pambansang awit. Walang Pilipino sa buong mundo na hindi na aapektohan nitong awit na Ito. Itong awit na Ito rin ang nag bigay daan para mabawi ang kalayaan na wala noong ipatupad ang batas militar ni Marcos noon 1972. Itong katang Ito, ay siya rin nag bigay daan para labanan ang puwersa nang happon noong ikalawang digmaan pang mundo.
Umalis ako nang Pilipinas noon maga unang taon ipatupad ang batas militar. Lahat nang karapatan pang tao ay inalis. Lahat nang gusto nang militar ay nasusunod, pati na ang palabas nang bahay ay pinagbawal. Noong unang balik ko, marami nang usap usapan na malapit na labanan nang sangbayanan ang batas militar. At noon 1986 nang tumawag nang unang halalan si Marcos, Ito ang nagin dahilan nang magalit ang mga sambayanan dahil sa maga dayaan sa halalan. Dito na pumutok ang digmaan tao, walang dugong rebulusion. Tumakbo sa Amerika si Marcos, at nakaupo si Corazon Aquino bilang presidente 1986. Pinalitan ang konstitution nang Pilipinas. Dahil sa marami din ang mga taga sunod ni Marcos, naging magulo sa sunod sunod na alsa nang militar. Natapos ni Corazon Aquino ang kanyang takda araw bilang presidente. Kinilala na ang kanyang tagumpay ay ang pagbabalik nang demokkrasia sa Pilipinas.
Ang sumunood na president ay pinsan ni Marcos. Siya ay si Fidel Ramos nakatapos sa West Point bilang Isang sundalo. Naging matahimik ang pamamalad nang kanyang pamumuno. Maganda ang layunin na maging Isang industria ang buong Pilipinas sa taon 2000. Dahil matahimik at maganda tignan na maramin gusali at kalsada na ginawa. Ito’y tinuring masagana sa umpisa. Subalit nang natapos ang kanyang termino bilang presidente, lumabas na maraming hindi tama at koraption sa bawat prohekto ginawa. Ang lahat na Ito’y hinambing na masmalala pa sa panahon ni Marcos.
Ang sumunood na presidente ay parang biro. Tumakbo Ito sa slogan na “Erap para sa manirap” Siya ay Isang magalin at sikat na artista. Dahil lumaki ako sa pamilia nang artista, tatay ko, magalin na artista, kapatid ko sikat at magalin. Namulat ako na dapat kung saan ka magalin doon ka na lang. Nang siya ay umupo bilang presidente, ang akala niya Ito’y isa pa rin sa kanyang pinikula. Lumabas na hindi niya kayang patakbohin ang maselang pamahalaan nang gobbeirno. Maraming iskandalo ang lumabas, katulad nang pagogotong, pang babae, pangugurakot, kidnaping, at iba iba pang hindi kanaisnais. Hindi niya natapos ang kanyang panununkulan bilang presidente at siya ay pinatalsik nang buong sambayanan na tinawag na pangalawang rebulusion nang tao. Na kasuhan siya nang plunder at na kulong.
Tinapos nang bise presidente ni Estarda ang kanyang termino at tumakbo ito sa sumunood na halalan. Si Gloria Macapagal nahalal na presidente dahil sa pag kakilala sa kanyang mataas na pinagaralan. Siya ay kaklase ni Bill Clinton. Malaking kabiguan nang mga Pilipino sa kanyang pamamalakad. Lumabas na naging malala ang korapsion na naging higit pa sa pandemia. At lumabas din na katakot. takot ang dayaan na naganap sa halalan kaya siya nanalo. Pagkatapos nang kanyang oras bilang presidente, siya ay nakasuhan nang plunder at na kulong.
Ang sumunood na presidente ay binata, na anak ni Corazon Aquino, dating presidente. Ito’y na kapag aral din sa mataas na pribadong iskuelahan. Ang kanyang pamumuno ay tinagurian makapaghigante at mahina. Marami ang nag sa sabi na walang pag babago ang Pilipinas. Hindi na tigil ang mga masasamang gawain. Patuloy ang koruption at magulo pamumuhay. Hindi nabago ang pamumuhay na sa isa rin dahilan na sunod sunod ang mga kalamidad.
Ang sumunood at kasalukuyan na presidente ay abogado dating alkalde nang Davao. Ang presidente na Ito’y kakaiba sa mga na una sa kanya. Itinaas niya ang libro ni Marcos sa pamumuno niya. kakaibang Istilo, na para bang tama ang pumatay nang tao na may kaalaman sa droga. Marami siya sinasabi na noong siya ay alkalde pa, siya ay puma patay nang tao. Binigyan niya ang kapulisan at militar nang buong loob at puwersa na sila’y proproteksionan nang gobbeirno laban sa droga. Ayon sa Isang ahensia nang pababalita, mahigit na 35,000 na tao na ang napatay nang kapulisan mula noong umupu siya bilang presidente. Ito’y pinabulaan nang kanyang pamahalaan. At sinasabi na mga 7500 lang ang napatay, at lahat Ito’y nanlaban. Ang presidente na Ito’y mayron pang dalawang taong para manilbihan.
Ang pandemia ay lalong nag patibay na magamit para lalong masunood lahat nang kagustuhan nang presidente. Sa gitna nang pandemia, ipinairal Ang batas terrorismo. Ang lahat na tumututol sa kagustuhan nang presidente ay maaring bansagan na terrorista. Ang mga na bansagan na may kinalaman sa droga, isa isa napa patay.
Lahat nang presidente pasasalita lagging may kasamang mura. Pati ang presidente nang Amerika at Santo Papa minumura. Hindi niya sinasama ang bise presidente niya sa mga kabinete miting. Mayroon oras na sinasabi niya na hindi siya naniniwala sa karapatan pang tao. At kung minsan nababastus ang kababaihan, pati ang kanyang bise presidente na babae. Ang multo ni Marcos ay binuhay muli. Dalawang anak at asawa ni Marcos ay maga kakampi niya. Ang lalaki na anak ni Marcos, si Bongbong ay tumakbo para bise presidente ni Duterte. Natalo pero hindi matanggap at nag proprotesta na siya ay nadaya. Parang tutoo ang kasabihan na ang anak ay katulad nang tatay.
Ang Pilipinas ay binubuo nang 7100 isla. Ito’y tinatawag na Perlas na Silangan. Sa gayon, sinasabi na tatagal hangang 2023 bago mabakunahan laban sa birus ang lahat nang tao. Nakakalungkot. Nang ako’y umalis, ang palitan nang Isang $1 ay 7 piso. Sa ngayon, halos 50. Peso sa Isang $1. Maraming nag sa sabi noong panahon ni Marcos, nag printa nang printa nang pera ang bangko sentral, na tuluyan nag ka resession.
Hindi nag babago ang pag tigin ko sa Pilipinas. Hindi ako na wawalang pag asa na makakabagon pa rin ito. Kapag kinakanta ko ang BAYAN ko, naalala ko ang kagandahan nang Pilipinas. Kapag natapos na itong pandemia at nabakunahan na ako, babalikan ko pa rin ang bayan kong sinilangan.