Pride 2021 sa Toronto
Pag ikaw napadapo sa Church Street ng Toronto, mapupuna mo ang sulatan na Church-Wellesley Village na nasa ibabaw ng pangalan ng kalye na may kulay na bahaghari ng LGBTQ2+.
LGBTQ2+ ay para sa lesbiana, bakla, silahis, queer at bayot. Sa Toronto, Hunyo ang buwan ng PRIDE. Ito ang pangalawang taon na walang selebrasyon ang PRIDE at nabibilang na dito ang parade ng mga bayot, lesbiana, at ng mga bakla na sinasalihan ng mga nakatataas ng katungkulan sa gobyerno pati na si Prime Minister Justin Trudeau. Patapos na ang Ontario sa pangatlong alon ng Covid 19 kaya nagiingat ito na hindi umusbong ang pangapat na alon. Noong nakaraan, ang parada ng mga bakla ay parating masaya at dinudumog. Sa katapusan ng Hunyo, sinasara ang Church Street simula ng biyernes hanggang lingong hatinggabi. Sa bisperas ng parada ng mga bakla, maraming palabas sa mga entablado na itinayo para sa PRIDE at parati akong nanood. Minsan pa, naulanan ako.
Hindi parating ganito kasaya ang PRIDE. Sa nakaraan, mga protesta at kaguluhan. Nung 1971, may mga 100 katao ang pumunta sa Parliament Hill at sa gitna ng ulan, inabot nila ang listahan ng mga karapatan at proteksyon na hinihingi nila. Nung dumating ako sa Canada at nanirahan ako sa Toronto, nagumpisa ang PRIDE sa siyudad. Nung 1978, ang pagbabawal sa pagdayo ng mga kababaklaan sa Canada ay inalis. At nung 1990, inalis ng World Health Organization ang homosexualidad sa listahan ng mga sakit. Ang Toronto oficiales nung 1991 ay inendorso ang “Lesbian and Gay Pride Day”.
Labindalawang taon ang nakalipas bago ang Ontario ang unang probinsiya na nagbigay ng lisensiya sa pagkasal ng parehong sex na tao. Sa sumunod na dalawang taon, BC, Manitoba, Nova Scotia, Saskatchewan, Newfoundland, Quebec, Yukon at New Brunswick ay nagbigay din ng naturingang lisensiya.
Ang lugar mga bakla ay nasa distrito ng Toronto Centre. Sa kasalukuyan, mayroong lesbiana na konsehal na representante ang distrito na Ito. Ang pinalitan niya ay baklang konsehal. Sa Ottawa, nagkaroon ng baklang representante ng distrito. Ang nakaraang alkalde ng Toronto ay lesbiana. Mga miembro ng LGBTQ2+ ay masusugid na mangampanya pagka botohan. Tumatayo sika sa entrada ng mga estasyon ng subway at nag-aabot ng mga sulatin na nauukol sa mga kandidato na sinusuportahan nila. Minsan, sinasamahan ko ang kandidato at kasali akong nagaabot sa kapwa ko Filipino. Kahit hindi ako bakla, gusto ko ang mga baklang kakilala ko. Magaling silang magtrabaho at riniresoeto ko sila. At tuwing parada ng PRIDE, umaangkas ako sa float nila at winawagayway ko ang bandera nila.