Mabuti at masama dulot nang Kasino puntahan
Noon ang namamahal sa Ontario ay si unang Ministro Dalton Maguinty ay nag patawag nang pag pupulong upang makipaugnayan sa mga liderato sa Pilipino-Kanadian ako’y nag punta. Ang pagsa nang usapan ay pag lalagay nang kasino sa gitna nang lunsod nang Toronto o sa “CNE” Kanadian Nasional Exsibision. Sa paguusap, sinabi ko ang aking matinding kong karanasan sa baga na Ito. Sinalaysay ko ang kabutihan at ang masamang idudulot nito sa buhay.
Sinimulaan ko ang istoria na ako ay namulat na ang buong pamilya ko ay bahagi nang kasino. Nakamit nang pamilya ko ang mga iba ibang kakayahan bilang isang balasador nang baraja, taga pamahala, taga salubong, pag asikaso sa mga pag kain at manlalaro.
Naging magaling ako sa baraja, kaya naman napabilis ang pag akyat ko bilang pinakabatang taga pamamahala. Ito’y lahat nangyari sa maagang pagkawala nang aking ama, at para makatulong ako sa Ina ko. Makalipas ang limang taon, naka pag tapos ako nang dalawang kurso sa unibersidad sa mataas na katolikong paaralan. Pinagpatuloy ko ang pag aral sa gradduadon mataas nang pumunta na ako sa Kanada. Sa unang marinig mo ang kuwentong Ito, parang walang duda na buo ang paniwala mo na sangayon ako sa kasino. Huwag mong husgahan agad nang tapos.
Sa Pilipinas noong panahon ko, lahat halos nang tao ay nakikinabang, umpisa sa mayari, namamasukan, manggagawa, nagpapalabas, mananahi, nagpapaganda, mga nag lulu to nang pagkain, at nag mamaneho na kotse pangpasada pribado. Ang pag trabaho ko sa kasino ang dahilan nakakamit at nakapagtapos ako nang dalawang kurso sa unibersidad. Ito ang aking paniniwala sa idad ko na 20 anyos. Nang dumating ako nang Kanada, unti unting nababago ang akin damdamin. Kahit bahagi nang kita ay napupunta sa huspital pang alaga, at kawanggawang pagtulong. Hindi ko gustong nakikita ang mga matatanda na nakaupo sa gumugolong sasakyan na pag hinto, humihila sa makinilyang sugal. At ang mga tao sa wastong gulang na tinataya ang perang pinaghirapan sa pag tratrabaho.Sa samahan nang mga kababayan kong matatanda na namamasukan panandali bilang nag aalaga nang mga bata o matatandan may kapinsalaan, mula Lunes hangang Bierynes. Pag dating nang Sabado o Lingo, sinusugal ang perang pinaghirapan. Ang mga may asawa babae na nakatira sa mga liblib nalugar sa Pilipinas na hindi pa naka pupunta sa isang kasino sa buong buhay nila, nang makaranas dito sa Kanada, silay nagumo. Naging parang adik, sa hagag na manalo malaking pera, akala nila madali. Sa nakita kong Ito, ako’y nandiri at naawa. Sa Pilipinas noong namamasukan ako sa kasino, ang mga parokyano ay may kaya sa buhay. Mga nakabihis na parang nag sasabing galing sila sa mataas na lipunan at sila ay nag lilibang lang manalo o matalo, baliwala lang. Dito karamihan matatadang may kapinsalaan nakaupo sa malit na sasakyan gumugulong para sila maka galaw. Kung minsa mandala pang lalagyan hangin, para gamitin nila sa pag hihiga.
Noong unang naglagay nang kasino sa Windsor at Niagara, ang balak ay para sa mga turista Ito. Hindi ko alam kung nag tagumpay ang balak na iyo. Dahil bago pandemia, pag nakakakita ako nang malaking sasakyan papunta sa kasino, halos mga insik at mga dating taga orental na dumadaan sa Chinatown Spadina at Pacific Mall Scarbougrough.
Minsan nakakita ako nang mga turista sa kalsada nang Carlton na gustong sumakay papunta sa Niagara kasino, hindi sila sinakay dahil wala silang kard. Ako’y na mangha
Ang OLG tinatag 1999 nag sasabi kung saan pupunta ang kita, sa mga huspital pagamutan, panlalaro, at panglibagan, kulturan palabas, samahan kawanggawang pang Korporasio walang gana, daraan sa Ontario Trillium Fundation, panguna proyekto pang kalusugan at karunugan. Bago pandemia OLG ay kumita nang mahigit $2.5 billiones 2019 Nitong pandemia kumita lang nang $200 milyon dahil sarado ang mga kasino. Nang mag bukas ang Ontario, hindi kasama ang kasino.
Balik sa balak mag bukas nang kasino sa gitna nang lunsod nang Toronto ay hindi na tuloy. Nagkaroon nang kasunduan na magbukas na lang sa CNE pang samantala 18 araw kasabay nang kasiyaan sa gusali nang Better Living. Iyon paninindigan ko ay pareho pa rin na di dapat mag bukas nang kasino sa gitna nang lunsod na madaling puntahan nang mga mamayan, dahil hindi naman iyo ang pakay sa mulat mula pa.