Relihiyon / Pulitika ………. gumawa ng tamang desisyon na yakapin ang Canada
Noon ako ay lumipa sa Kanada sa maaga na dekada 70s, hindi ko masyadong binigyan nang pansin ang kahalagahan nang relihiyon na kinabibilangan nang Unang Ministro Pierre Truduea. Mas mahalaga para sa akin ang kinabubuon ang uri nang pamamalakad nang gobbiyerno sa demokratikong pamamaran. Ang nagustuhan ko ay ang pag respekto sa karapatan at kalayan pang tao. Itong mga bagay na Ito’y inalist at nawala sa bayan pinaganak ako, at isa itong dahilan kung bakit ako umalis. Nakakagulat kung titingnan mo sa sampung Unang Ministro, kasama ang kasalukuyan naka upo na tumira sa Sussex Drive, isa lang ang hindi Katoliko, ganon pa man, ang nag iisang Ito ay Kristiano pa rin na kasama grupong Anglikan. Ito’y malaking bagay para sa akin na ako ay kabilang sa Romano Katoliko. Mas gusto kong manirahan sa bayan na ang gobbiyerno ay pinatatakbo sa pamamagitan nang konsensiya imbes na ang pamamalakad ay puro para pang sarili ang ganansia ang pakay.
Napaka suwerte ko sa aking palagay na hindi ako pinaganak nonog dekada nang 17 senturi na ang nag papatakbo nang bayan ay magkahalo, gobbiyerno at simbahan. Sa panigin ko Ito’y napaka maselang sa dahilan bawa’t salita panukala parating binabangit ang Diyos. Noon 1632 isang Englesiang Pilosopo na nagagalan John Locke sumulat nang isang panukala sa pag hihiwalay nang gobbiyerno at nang simbahan. Ipinaliwanag niya na ang bayan ay walang karapatan sakwalin ang pagiisip nang isang toa. Thomas Jefferson isa sa natinuturin na nagtatag tatay nang Estados Unidos sinulat “Ang Kongresio ay hindi maaring gumawa nang batas gumagalang sa establisamentong rehiligon o pagbabawal nang libreng pananampalataya…kaya ang pag hihiwalay sa gobbiyerno at simbahan sa Amerika ay naging oppissial. Ang Kanada ay walang dokumentong nag sasabing hiwalay at gobbiyerno at simbahan. Subalit’ ang maga korte ay unti unting ginagamit ang panungkalang karapatan pang tao, at karapatan nang relihiyon at pinagbabawal ang pangalipusta sa rehiligon.
Ang Katolikong Simbahan ay palaging mayroon kakaibahan kalagayan, na natuto kong pag hiwalayin ang katauhan at kabanalan nang estitusion. Sa isang ehemplo ay ang pang abuso seksual nang mga klergi sa mundo na kinagulat nang lahat, subalit’t para sa akin Ito’y kahinaan nang tao. Ang tao ay marupok, kahit ang maga naka suot nang sultana. Noon taong 2000, nang Pope Paul 2nd nag labas nang sunod sunod na pamanhin sa nakalipas na dalawang dekada, Ito’y kinaragal at ipinagbunyi ko na galing sa pinakamatas na puno nang pinakamalaking simbahan na tag sunod. Mula noong siya ay naging Papa 1978, humigi nang paumanhi sa mga krusadas, sa masaker nang French Protestant, ang paghusga kay Galileo at ante-semetesisim, ang exena nang simbahan tungkol sa maga African alipin panggagalakay, kasalanan laban sa Hudyo, babae, panatiko, at mga katutubong tribo. Noon 1983 sa Managua Nicaragua pag punta Niya nakunan Siya nang litrato na kinagagalitan at sinesermonan si Padre Ernesto Cardenal sa pagiging kasangkot sa politika nang Sandanistang gobbiyerno na lumagpas sa guhit na nag hihiwalay sa simbahan at gobbiyernong gawain. Padre Cardenal ay umupo sa isang puwesto nang gobbiyerno nang Sandanista.
Sa tagal nang pagtira ko sa bayan ito namalas ko na sa mga oppisiales sa gobbiyerno ay umiiwas sa maykinalaman sa relihiyon, kung walang kinalaman sa pangabuso sa karapatan pang tao, diskriminasion, malayang pag iisip at relihiyon, edihiya pagsasalita at malayang pag pupulong….at nang lahat ay tungkol para sa iba ibang relihiyon, hindi lang Roman Katoliko. Ang pag kakaron nang Seperate School Board na nag tuturo sa mga Roman Katolikong batang ang Ilan beses na pinupuna at gustung pakealaman ay hindi magawa sa dahilan ito ay nasa Konstitusion hindi magawa sa ngayon. Para lang tanggalin Ito, kaylangan galawin ang Kontitusion, malaking gaguluhan, magastos, at mag ligal na kumplikasion. Kung ihahambing sa mga gurong nap tuturo sa paaralan pang publiko pareho lang ang pag sasanay, kay siguro pins bayan na lang ang mga gustong ibahin o balak.
Nasanayan ko na hindi nag babangit tungkol sa relihiyon ko maya lang mayroon akong mga katanogan at palaisipan sa rehiligon na Moslem katulad ko na nag ibang bansa sa Kanada. Ang bayan pinanggaligan ko ay mayroon Moslem komunidad sa dulong iba a nang bayan. Mayroon 11% nang populasion sa Pilipinas ay Moslem na ang rehiligon ay Silam sumusonod na pinakamalaking halos Kristiano sa kabuoan nang bayan. Noong taong 1987, ang gobbiyernong Pilipinas ay gumawa nang mga bagong karapatan na para sa mga Moslem na tubong Mindanao na pinalitan nang isang kasunduan na pinagalanan nang Bagsang Moro na para sa kapuluan nang dulo nang Pilipinas. Ito’y nag papatunay sa pagkilala sa Moslem na bumubuo nang 11 % na ang pagkilala sa kanila nang Allah. Kung wala itong kasunduan na sa sikap nang gobbiyerno at pagkikipag isang ugnayan nang mga liderato nang mga Moslem hindi mag kakaron nang kapayapaan. Nang ako ay umalis itong dalawang grupong ito ay nag lalabanan sa Mindanao. Kung itatas mo ang maga bagay na Ito nang ibang kaisipan na ang mga Filipino ay nag lalaban at nag papatayan sa kapuwa Filipino.sa sa sariling bayan dahil lang sa hindi pag kilala at pagtangap sa kanilang paniwala ng rehiligon.
Sa oras nang aking buhay ngayon, nasa wastong lugar ako. Tama ang pagpili ko sa lugar na nais ko para sa katayuan para mamuhay na payapa sa bayan nang Kanada. Na gagamit ko ang rehiligon sabay nang pag kilos ko tungkol sa politika na hindi makakaabala sa ano man.