Halos mag dadalawang taon na ang Kobid pandemia at halos lahat nang bagay ay naapektohan pati ang relasion na pag kakaibigan natin.
TORONTO – May kasalaulaan ng kaingayan na ngayon ay nakaragdag sa Toronto – ang nagpapalipad ng dahon na tinatawag na “leaf blower”. Nakaragdag ito sa dati ng kaingayan sa siyudad na dulot ng pagtatayo ng mga gusali at mga sirenang nagmumula sa mga ambulansiya, bombero, at mga sasakyan ng mga pulis. →
TORONTO – Sapul nang dineklara ng WHO ang pandemya, isang paksa ang naging problema ng mga nakataas na mga nanungkulan sa gobyerno, mga siyentipiko at mga mamamayan nitong mundo: ang pagsuot ng mga maskara o dispras. →
TORONTO – Nitong nakaraang linggo, napadaan ako sa isang eskuwelang pansimula at nakita ko ang mga batang na nagkakaedad ng 5 o 6 na naglalaro nang nakamaskara sa likod bakuran ng eskuwela. Natuwa ako dahil masaya silang naglalaro. Pero nalungkot din ako kasi nakamaskara silang nagtatakbuhan. Tila hindi sila balisa sa suot nilang maskara. At, naisip ko na kung hindi ang mga bata nababalisa sa pagsuot ng maskara, bakit kaya ang mga nakatatanda sa kanila ay kabaliktaran ang nararamdaman pag suot ang maskara. →
TORONTO – Isang kaibigan ko ang pumuna ng presyo ng Big Mac, na pag kumakain ka nito parati, di mo mapupuna ang presyo pero kung ikaw ay yung taong tulad ko na paminsan minsan lang kumain ng Big Mac, malamang magulat ka sa babayaran mo. Nitong nakaraang mahigit na isang taon, hindi ako kumain ng Big Mac hanggang ilang araw na nakalipas nang bumili ako ng dalawang Big Mac meals at nagulat ako sa binayaran ko – mahigit $23! Sabi ng kaibigan ko, mas makakatipid ka kung may coupon ka, konti sa kalahati ang babayaran mo. Ang sa akin naman ay gaano kadalas nagbibigay ng coupon para sa Big Mac. →