Nang sakupin ang Pilipinas ng dayuhang Hapon, hindi pa ako tao. Ipinanganak ako matapos ang WW2. Batang munti pa lang ako nang ang Korea ay nagkaroon ng pangmamayang digmaan. (more…)
TORONTO – Nitong nakaraang linggo, napadaan ako sa isang eskuwelang pansimula at nakita ko ang mga batang na nagkakaedad ng 5 o 6 na naglalaro nang nakamaskara sa likod bakuran ng eskuwela. Natuwa ako dahil masaya silang naglalaro. Pero nalungkot din ako kasi nakamaskara silang nagtatakbuhan. Tila hindi sila balisa sa suot nilang maskara. At, naisip ko na kung hindi ang mga bata nababalisa sa pagsuot ng maskara, bakit kaya ang mga nakatatanda sa kanila ay kabaliktaran ang nararamdaman pag suot ang maskara. (more…)
Bago mag pandemya, may nakausap akong kaibigan na nagtatrabaho sa Eaton Centre. Pagka ang shift niya ay bago magsara ang tindahan na pinapasukan niya, nakakatagpo siya paglabas niya sa mall ng mga tao kakaiba ang kilos, na alam niya na may ininom o ininiksiyon sa katawan. Sabi niya, hindi siya nagaalala sa mga taong nakatira sa kalye. Ang inaalala niya ay mga “druggies” dahil nangmomolestiya sa mga hindi kakilala at sa pamamaraang hindi kanaisnais. (more…)