TORONTO – Nung Mayo nitong taon na ito, maraming mga manok at mga isda ang nangamatay sa Dagupan, Philippines, dahil sa tinding init na umabot sa 52 Celsius. Nitong tag araw sa Canada, ang baryong Lytton sa BC, ay uminit nang matindi na umabot ng 49.4 Celsius, tapos nasunog ito sa sumunod na araw. Nung 2018, dalawang kamaganak ko ang bumiyahe sa San Francisco para makipagkita sa mga pinsan na dumadalaw galing sa Pilipinas. Nang pababa na ang eroplano nila, kitang kita nila ang mga sunog sa California. Paglabas nila sa hantungan, puro usok ang naamoy nila at nangailangan silang magsuot ng maskara. Nung huling araw nila sa SFO, yung mga cable cars na likas na San Franciscan ay hindi pinahintulutan na umandar dahil sa alikabok at mababang aninag sa dadaanan ng mga ito. →
Canadian National Multilingual Newsgroup
Welcome to the Canadian National Multilingual News Group (CNMNG). This is a project made possible through funding by Canadian Heritage. CNMNG aims to gather news researched and written by a corps of Canadian-based journalists/writers from the country’s multilingual community groups. The overall goal is to inform, analyze and critique the issues of the day in a professional manner and to provide that to publishers and editors active in the ethnocultural-multilingual press and media whose experience provides them with a perspective that is sensitive to news relevant to their own language group.