Tag: mundo

Code Red Para sa mga Mamamayan ng Mundo

TORONTO – Nung Mayo nitong taon na ito, maraming mga manok at mga isda ang nangamatay sa Dagupan, Philippines, dahil sa tinding init na umabot sa 52 Celsius. Nitong tag araw sa Canada, ang baryong Lytton sa BC, ay uminit nang matindi na umabot ng 49.4 Celsius, tapos nasunog  ito sa sumunod na araw. Nung 2018, dalawang kamaganak ko ang bumiyahe sa San Francisco para makipagkita sa mga pinsan na dumadalaw galing sa Pilipinas. Nang pababa na ang eroplano nila, kitang kita nila ang mga sunog sa California. Paglabas nila sa hantungan, puro usok ang naamoy nila at nangailangan silang magsuot ng maskara. Nung huling araw nila sa SFO, yung mga cable cars na likas na San Franciscan ay hindi pinahintulutan na umandar dahil sa alikabok at mababang aninag sa dadaanan ng mga ito.  (more…)