TORONTO – Isang kaibigan ko ang pumuna ng presyo ng Big Mac, na pag kumakain ka nito parati, di mo mapupuna ang presyo pero kung ikaw ay yung taong tulad ko na paminsan minsan lang kumain ng Big Mac, malamang magulat ka sa babayaran mo. Nitong nakaraang mahigit na isang taon, hindi ako kumain ng Big Mac hanggang ilang araw na nakalipas nang bumili ako ng dalawang Big Mac meals at nagulat ako sa binayaran ko – mahigit $23! Sabi ng kaibigan ko, mas makakatipid ka kung may coupon ka, konti sa kalahati ang babayaran mo. Ang sa akin naman ay gaano kadalas nagbibigay ng coupon para sa Big Mac. (more…)
Bago mag pandemya, may nakausap akong kaibigan na nagtatrabaho sa Eaton Centre. Pagka ang shift niya ay bago magsara ang tindahan na pinapasukan niya, nakakatagpo siya paglabas niya sa mall ng mga tao kakaiba ang kilos, na alam niya na may ininom o ininiksiyon sa katawan. Sabi niya, hindi siya nagaalala sa mga taong nakatira sa kalye. Ang inaalala niya ay mga “druggies” dahil nangmomolestiya sa mga hindi kakilala at sa pamamaraang hindi kanaisnais. (more…)