Ang Panlimang Pinakamalaking Kalakal-Panluwas ng Canada

Nang bumisita ang aking ina sa Toronto nung dekadang setenta, ito ang binigay niyang impresyon sa siyudad: napakalamig at maraming puno. Datapwat pumanaw na siya, aking naaalala siya ngayong sumusulat ako tungkol sa mga punongkahoy. Ipinanganak at lumaki ako sa lungsod ng Manila na konti lang ang mga puno. meron meron naman isang matandang Acacia na malapit sa amin na ginagamit na tagpuan o palatandaan ng mga tao.