Tindahan na Paupahan sa Kalye na Pinamimilhan ng mga Mayayaman
Meron 17 na tindahan ang nagsara sa Bloor, 8 nito ay may karatulang “Prime Retail for Lease” sa mga dingding nito. Ang nabanggit na kalye ay lugar na mamahalin na tindahan katulad ng Louis Vuitton at Hermes. Mula nang tumungtong ako sa bayan na ito nung 1974, hindi ko pa maalala kung kailangan ganito karami ang nagsarang tindahan ng mga damit. Pero nalulungkot ako sa pagkawala ng Gap sa kanto ng Bay at Bloor kasi doon ako namimili ng mga bagong polo shirt ko at mga pan-regalo ko pag pasko.
May mga 11,000 na tindahan ng mga damit na nagsarado sa US nung 2020 dahil sa Covid 19, ayon kay Vicky M. Young ng Sourcing Journal. May mga sanga ang tindahan ng mga ito sa Canada. Maling paninda ang binigyan ng sisi. Dahil nagtatrabaho na sa bahay ang mga tao, hindi na nila kailangang magbihis nang pustura. Isa pa, hindi naka-adjust sa online shopping ang ibang tindahan.
Sa Canada, isang tindahan ng mg damit na itinaguyod noong 1960 ay nagdeklara ng pagkalugi nung October 2020. Dati nang nahihirapan sa negosyo ang Le Chateau, nang dumating ang pandemic, napaaga ang pagalis nito sa negosyo. Kasali na ang Aldo, Mountain Equipment Co-op, Reitman’s, Ricki’s, Cleo+Bootlegger, Group Dynamite, Ann ng Canada na pinanggalingan ng Ann Taylor at LOFT sa mga nagdeklara ng pagkalugi at humingi ng proteksyon sa mga pinagkakautangan. Samantala, mga tindahan na Lululemon at Urban Outfitters ay halos hindi naapektuhan ng pandemya kasi mga comportable sa katawan ang mga paninda nito.
Limang mabebentang pansuot sa katawan ang binanggit ni Jacqueline Hansen ng CBC nung May 24th, 2021: t shirts, jeans, mga aktibong pantalon, mga pambalot sa katawan pagka malamig, at mga pansalo na ordinario. Sabi ng Statistics Canada, ang benta ng mga damit at mga pang-adorno sa katawan ay umakyat ng 24% at 28% ng mga Canadians na ang edad ay mula 28 hanggang 34 ay nagpaplano na mamili at magsuot ng mga bagong damit.
Ayon kay Jordan Press ng CTV News, may naipon ang Canadian na $5,800 sa pagtatrabaho nito sa bahay. Sabi ng representante gobernador ng Central Bank ng Canada na si Lawrence Schembi ay ang paggaling ng ekonomiya ng Canada ay maapektuhan sa paggastos sa naipon na ito. Siguro may kinalaman ito sa pagbili ng mga pananamit. Kamakailan lang merong mahabang pila ang Winners sa College, Nordstrom Rack sa Yonge at Bloor, H&M sa harap ng Yonge at Dundas Square.
Kahit ganito ang inabot ng pansuot na retail dito sa Canada, umaasa ako na malalampasan nito ang dalang salot ng pandemya. Pinagmasdan ko ang mga nakapila sa mga tindahan na binanggit ko at naghalo ang millenials, Gen X at baby boomers sa mga mamimili. Sa tingin ko, may pag uukulan ang naipon nung lockdown.
Sa larawan: Pila sa Zara, Bloor (Ricky Castellvi)