Toronto Taong Walang Bahay
Taong walang bahay ay isang masakit na kalagayan na hindi kanais nais para kanino man, ngunit marami ang nahahanton sa bagay na ito at hindi makabagon at hindi makaalis sa pag walang matirahan na tumatagal sa pagiging walang bahay.
Noong Dissiyembre 2020, ang samahan nang manunulat midya ay nag bigay nang ulat na kung maari huwag nang gamitin ang salitang taong walang bahay, sa halip gamitin ang salitang walang matirahan. Ayon sa kanila ang salitang ito ay nakakakutya at parang nakakababa nang kanilang dignidad. Sa madaling sabi iwasan ang pag gamit sa salitang tinutukoy ang tao, na dapat ang tinutukoy ay ang pansamantalang kalagayan nang tao na maaring mag iba sa tamang panahon na sinasangayunan ko.
Kapag tinignan mo ang taong walang bahay sa mata, wala kang makikita ng bakas na ano pa man, parang tumitigil ka sa isang istatwa. Ang kaibahan ang tao ay humihiga at may buhay kaya lang ang kalagayan nila ay parang nasa pinaka dulo nang lubid. Na nag bibigay nang kaisipan na kahit kapirason kahon ay tutulugan nito sa gabi. O kaya sa tabi nang labasan nang init galing sa ilalim nang lupa. Okaya sumandal sa isang pader tumigin sa malayu nag iisip. Ito’y napaka lungkot pag masdan na nakakawasak damdamin.
Maraming dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong kalagayan sa isang tao. Ang iba ay nagkaganito nawala ang bahay at pamilya sa pag kakamaling bagay na kilos sa buhay. Ang iba ay galing sa loob nang kulugan na hindi na siya makabalik sa dating tinitirahan sa dahilan, hindi na siya gusto nang mga dating kasama. Okaya naman siya na mismo ang ayaw bumalik dahil mahirap tangapin para sa kanya ang dinulot niyang kahihiyaan at gulo. Ang iba naman ay galing sa malayung lugar at nag babakasali sa lunsod upang makakita nang trabaho at walang pera. Hindi namakabalik sa kanilang pinang galigan dahil wala na rin nag hihintay sa kanya doon. Itong maga bandang huli, dahil sa ang iba ay nalumok sa masamang biso na naging isang adik sa isang bagay at na apektohan ang pag iisip kaya tumatagal sila sa pang samantalan tuluyan.
Sa Toronto ang mga walang bahay ay nag uumpok sa mga pang publikong pasyalan. Sila’y gumagawa nang mga pang samantalang sinisilugan at sa kalsada na dinadaan nang karamihan nang tao. Kung mapansin mo karamihan sa kanila ay nag iistambay sa mga publikong lugar na pagaari nang siyudad. Hindi sila nag tatagal sa mga pribadong lugar dahil alam nila na sila ay papaalisin agad at makakaabala lang sa kanilang kalagayan. May maga pang samantalang lugar na tumatangap para tulugan nang isang gabi. Ang mga ibang simbahan ay tinatanggap sila matulod sa gabi at nag bibigay nang pag kain sa umaga, tanghalihan, at pang hapunan para wala sila sa labas na malamig. May mga tao na hindi tinatanggap ito sa dahilan ayaw nilang makihalubilo sa mga di nila kakilala. Okaya naman mayroon silang masamang karanasan di kanais nais na katulad na pananakit nang kapwa nila o pinagnakawan sila. Lahat nang tumututol dito ay may wastong pag iisip. Mayroon iba ay may sakit sa takbo nang pagiisip na hindi Ito ang tamang lugar para sa ganitong tao. Subalit kung ikaw ay nag tratrabaho dito, mahirap tanggihan ang mga taong nagagaylagan at nagigipit. Mayroon nangyari sa nakalipas nang maraming taoon sa siyudad nang Toronto, na sinaksak ang isang namamahala nang isang walang matuluyan.
Ang paksang taong walang bahay ay laganap sa buong mundo. Ang mayaman na bayan nang Kanada ay tulag din nang nag hihirap na bayan mayroon parehong hinaharap sa kasalukuyan. Ang kaibahan, sa Kanada ang gobiyerno ay mayroon na proyekto na pag tulong sa mga katulad nitong kalagayan na Ito. Ang mahirap na bayan ay wala. Ang kalsada nang Toronto ay hindi para tinutulugan, pero marami na gumagawang matulod sa kalsada. Ang pag lalakad sa kalsada nang Toronto nang isang ordinarion tao nakakakita sa mga taong natutulog sa kalsada ay napaka pangit pag masdan at nakakagawit, pero di nawawala Ito. Huwag natin itulad ang mga taong walang bahay sa mga nanlilimos sa daan. Hindi sila pareho, dahil ang mga nang lilimos ay mayroon nauuwian. Sila’y nang lilimos dahil sa ibang dahilan katulad nang gusto lang bumili nang pagkain sa MacDonald, o alak at ibang bissio. Ang isa pang dahilan ay para bumili nang pag kain nila sa kanilang alagang hayup. Pa minsan misan may mga taong walang bahay na naglilimos pero hindi madalas. Ang mga nang lilimos, mayroon silang nauuwian sa gabi pagtamos mang limos. May lumabas na manunulat at mananayag na pinag aralan ang mga bagay na Ito. Ibang iba ang dalawang klase ang kalagayan nang bawat isa.
Noon si Mel Lastman ay alkalde sa Toronto, pinag bawal ang mga taong nag pupunas o nag Illinis nang salamin nang kotse sa kalsada at humihigi nang kabayaran. Dahil hindi magandang panigin ito sa siyudad at may mga paganib na maaksideteng masaktan na tao. Karamihan gumagawa nito ay mga taong walang bahay. Gusto nilang pinaghihirapan at pinag tratrabahuan nila ang kanilang panghihigi. Gusto nila ipamalas na hindi sila tamad, nag papakapagod sila kapalit sa pag limos nila. Na tataya sila sa paganib na sakuna. Hindi sila mahilig manghigi nang libre. Sa dahilan nang kalagayan nila, mas gusto nila ang pag iintidi at pang unawa nang kapwa tao nila.
Noon nakalipas na buwan, mayroon panukala na gumawa nang tirahan na maarin tirahan nang 1200 katao. Ito ay para sa mga taong madalas gumamit nang pang samantalang tirahan. Sa mga may karamdaman pag iisip at may bisio di maiwasan. Itong 1200 na tirahan ay para sa kaukulan kalusugan at tirahan. Itong panukala ng Ito ay para sa mga hindi maka tuloy sa pang samantalang tuluyan. Ito rin ang mga taong tinutulugan nang pang probinsiyang tulong. Mayroon isang karpintero na nag bibigay libreng gawa niya na mga malaking karton para sa walang bahay tuluyan. Hindi sumangayon ang siyudad saproyektong Ito. Kung madadaan ka sa kalsada nang Sherbourne, mula sa kalsada nang Carlton at Gerrald, makikita mo and mga apat na karton na gawa noon karpentero sa mga damo na tinutulugan nang mga taong walang bahay matuluyan. Sa kasalukuyan hinaharap nang siyudad ang pagatlong dagsa nang kobid pandemia, matatagalan nanaman ang problemang walang bahay. Mabuti na lang na binibigyan pansin ang pag bigay nang pang iniksion sa mga taong walang bahay.