Tuloy (Kobid 19) pandemia

TORONTO – Kanada ay parang nasa kaguluhan pag pasok nang taon 2025 sa sobrang taas nang presio nang pagkain, sa daming tao walang matuluyan bahay at sa politikang walang kasiguruhan. Ang Liberatong gibierno na  nagpapatabo ay naging pinaka mababa sa pulister dahil sa hindi pag kakasundo sa pamamalakad at pagka walang tiwala. 

Para sa akin, ang buong mundo ay nakalog at tinumba na pataob. Mula sa gobierno hangang sa pribadong samahan lahat ay nag bago. Iyon dati rati na pamumuhay na alam natin ay umikot nang 180 digre sa pananalita. Napa hirap maging negatibo sa pag uulap kung sanay ka nang parating magagandang ang  nangyayari. Ngunit kung masasama talaga ang nakikita mo, dapat lang na maging totoo na ito ay maulap mo at sabihin kahit masama.

Mag umpisa tayo sa lunsod na gobbiyerno noong linunsad ang mga linia para sa bisikleta sa kalsada nang Bloor at University. Nakapasa at inaprobahan na parang walang kamalian. Ang lunsod na maga opissiales ay gumastos nang million million na pera nang tao bayan na para bagang ito’y nagagahulugan buhay nang tao ang naka taya. Sana huwag akong pag kamalian na galit o laban sa mga syklista. Sapagkat ako’y isa sa maga syklista at motorista na naniniwala na puwedeng makasama. Itoy mabuti sa kalikasan, malinis, mura, at mabuti sa kalusugan nang tao. Nang lumabas na maraming aksidente, namamatay, nakakaabala sa motorista at nagdudulot nangkaguluhan sa trapiko dahil ang linya nang bisikleta ay nakaka sikip.

Hindi ko matangap na para pala gumawa tayo nang sariling multo o kumuha nang bato na pinukpok sa atin ulo. Ang probinsia gobierno ay pumasok para gamitin ang kanilang karapatan para ilagay ang sarili nilang kuro kuro na tangalin Ilan linia nang bisikleta kahit ito’y nagagahulugan na malaking pera na bayan ay gagamitin na naman. Sa isang pang karaniwan tao, ito’y mahirap tanggapin. Noon nilagay ang linia nang bisikleta malaking pera nang bayan ang ginastos, para lang tangalin, na malaking pera na naman ang gagustusin. Alam ko na walang perpektong, pero sa una palang dapat alam nila na ito’y mag dudulot buhay nang tao, malaking oras mawawala, pera, pagot, at mahahati ang tao laban sa isa’t isa. Ngayo marami ang nagsasabi nang bisikleta ay dapat ang pabahay ay nauna sa linia nang bisikleta. Maaring tama sa dami nang taona walang matuluyan sa siyudad. Itong maga taong ito, ay hindi taga siyudad nanan dito na. Ito’y dapat na mabigyan  pansin.

Ngayon pumunta tayo sa maga pribadong mang gagawa mura bahay para sa kabutihan nang walang matirhan. Kadalasan sa mga pribadong mangagawa ang kanilang proyekto ay mali mali sa pera at sa plano kung kaylan matatapos ang proyekto. Hindi bali kung ito’y bahagya laman pero ang diprensia ay napaka laki o napakalayo. Magpunta tayo sa pribadong manggagawa nang Eglinton krostown. Ito’y isang mahalagang bagay na lantad na katotohanan malaki ang agwat na pera sa istima at malayo ang agwat na araw matapos ang proyekto. Lumalabas na milyon ang kadiprensya at pagtapos ay lagoas na at hangang ngayon ay hindi pa alam kung kailan mabubukas. Malaking pera ang maga nawala sa mga negosyanteng nakahalay sa rota nang proyekto. At bawa’t araw malaki pera pa rin ang nawawala. May nagsabi na pandemia ang sinisisi.

Nang magsimula ang pandemia, sa akin pag iisip ang malaking problema ay ang produkto kinakailagan at produktong parating na mga kargo. Ang mga ito’y inaasahan na hindi masusunod sa oras nang parating at paalis. Mali ako sapagkat hindi rito at hindi ang pandemia ang mag dudulot nang diprensia sa buong mundo. Ang dalawang digmaan nang Ruso sa Yukreya noon nag umpisa Pebrero 24, 2022 at digmaan sa Gasa na nag umpisa Oktubre 7, 2023. Ang buong mundo ay nag kagulo gulo na hangang ngayon ay patuloy pa rin na parang walang katapusan. Ang aking pagarap nitong bagong taon na di kapanipaniwala sa iba ay kayapaan. Kayapaan, katumbas ay katatagan.

Iarawan ni Reid Naaykens mula sa Unsplash