Ugnayan

Ang pag uugnayan ay mas mahalaga sa akin imbes na manalo ka sa isang pakikipagtalo.

Mas mahalaga kaysa pag papatuna na ikaw ay tama, mas mahalaga ipakita mo ang iyon daan, at mas mahalaga kaysa mapatanggap mo ang iyon paniniwala. Ihayad mo ang iyon paniniwala subalit’ di mo puwedeng ipilit tangapin nang iba.

 

Maraming beses sa buhay na sa iyon pag iisip paulit ulit kung ano ang kalalabasan. Kung ano? Kung ano kaya na tumahimik lang ako. Kung pinabayaan ko na lang ang kanyang paraan. Kung pinabayaan ko na lang ang kanyang huling salita. Napakaraming kung. Ang tao naiipit sa kanyang ugali at sa kanyang kaisipan.

 

‘Nangyari ba sa iyo na sa isang diskussion at debate na sa bandang huli sinasabi mo sa iyon sarili, ah basta susundin ko pa rin ang sa akin. Tuwang tuwa ka na sa wari mo ay nagwagi ka matapos nang mahabang palitan nang kanya kanyang kuro kuro. Panalo ka sa labanan subalit’ talo ka sa digmaan. Sa isang pangyayari nanalo ka sa pakiwari mo subalit ang naging kapalit nito ay nawalan ka nang kaiibigan. Nawala ang ugnayan niyong dalawa. Anong uri nang pag wawagi? Nag Kwan nang mapait na katotohanan sa aking pag katao

 

Maraming taon nang nakakalipas, matatandan ko pa ang isang pakikipagtalo. Na pahinya ko ang taong naka tunggali sa isa maselang na pag tatalo. Sila mismo umami na mali sila at ako ay tama. Panalo ako talo sila. Ipinamukha ko sa kanila na hindi sila uumbra sabayan sa akin nang isahan. Ginamit ko ang lahat na nalalaman ko, dunong, galing, siniportahan ko nang mga halimbawang napapatibay sa mga sinasabi ko. Napatunayan ko na ako ay tama sa pag nanasa sa makakabuti para sa lahat.

 

Nakalipas ang panahon na pag isip isip ko na kahit na ako ang nanalo sa argumento, discursion at ang akin kagustuhan ang nasusunod. Na walang ako nang masabi. Na paka ganda ang pakiramdam ko noong mga sandaling iyon. Ngunit nang maunawaan ko at makita ang kabuouan nang malaking pananaw. Sa proceso naramdaman ko ang pagiging iba na ang panigin at pakikipag ugnayan nila sa akin, na hindi na tulag nang dati

Kung baga nawala na ang kahalagahan nang amin pag ka kaibigan.

 

Ito’y nag bigay sa aking nabasa nong matagal na, na sinasabi na tayo ay nakikipag talo dala nang ating galit at ugali na pag mataas kaya nanduon tayo. Maraming tao na may masamang ugali nakikipag talo sa mga bagay na walang kuwenta sa mga kinabuoan na walang halaga. Madalas ang tao nakiki pag laban sa mga bagay na walang kahalagan. Para lang na ipakita na panalo tayo sa mga bagay na pinaguusapan. Maaring hindi malinaw na ang talo sa pag uusap ay siya ang nagwagi. Sa aking paniwala at pananaw hindi masamang ugali ang nagigibabaw kundi princippio. Malaking kasinugalingan. Ako’y punong puno. Kung maari ko lang ibalik ang nakaraan at harapin ang dating kalagayan, siguradong ibang klase ang gagamitin kong pamamaraan. Ang pagsisisi at pang higi nang kapayapaan ay napakadali subalit’ hindi nito inaalis ang sakit na nadulot. Sa makatuwid hangang sa matagal na panahon lumipas ang agwat nang ugnayan ay napakalayo sa tunay at wagas na ugnayan.

 

Kahit na nakakabusod nang damdami na manalo sa pagtatalo, nagiiwan nang mapait na lasa sa buhay nang mga kinaukulan. Sa bandang huli walang panalo, walang talo. Na mulat ang mga mata ko sa katotohan na hindi na ako handang mawalan nang kaibigan sa panandaling magandang pakiramdam kapalit. Ito’y marahil ang tinatawag na bahagi nang pagiging pag tanda. Ang leksion na maarin matutuhan ay pag nakikipagtalo sa mga bagay na maliit at walang bagay, palagpasin na lang ang mga Ito.